Chapter 1 - Unknown Number

2.3K 89 1
                                    

(Irish's PoV)

Pagkatapos ng klase namin, dumiretso kami ni Jamie sa canteen para mag-lunch. Ang haba ng pila pero buti na lang meron pang vacant table roon.

Nagpalinga-linga ako baka sakaling andun si Spence..

...wala talaga siya.

Umupo kami sa isang vacant table sa may bintana saka ko nilabas ang aking phone para i-check kung nagtext siya o may missed call.

Ewan pero nang makita kong walang nag-appear na pangalan ni Spence sa phone ko, parang bumaba yung level ng energy ko.

Hay..ano kaya'ng nangyari sa kaniya?

Hindi kasi talaga normal na wala si Spence tapos wala man lang siyang text o tawag kung nasaan siya.

Hindi kaya...hanggang ngayon dahil pa rin 'to sa kasalanan niya sa'kin sa Hotel Park? Pero parang ang babaw naman ng dahilan.

At bigla kong naalala yung sinabi ni Jamie earlier sa classroom tungkol sa mga posibleng dahilan kung bakit wala si Spence ngayon.

"Ui...don't tell me nami-miss mo siya!", pang-aasar ni Jamie sakin.

Doon ko lang napagtanto na tulala na pala ako kakaisip kay Spence

"Anong miss na siya..hindi ah!", pagde-deny ko sa kaniya.

Pagkatapos nun ay hindi na niya ako inasar ulit. Siguro alam niyang hindi talaga ako aamin sa kaniya.

"Pero try mo kayang tanungin ang mommy niya...baka alam niya kung asan si Spence?", suggestion ni Jamie

Dahil worried naman talaga ako kay Spence..sinubukan kong tawagan ang mommy niya..

...

...

...

Hindi niya sinasagot eh!

"Baka busy pa!" ,sagot ni Jamie

Napag-isip-isip ko na hindi talaga ako mapapanatag hangga't hindi ko nalalaman kung asan siya kaya pupunta na lang siguro ako mamaya sa bahay nila since kapitbahay ko lang naman siya.

Nag-order na kami ng lunch namin saka bumalik sa table.

Siyempre habang kumakain, hindi ko talaga matanggal sakin ang mag-alala para sa kaibigan ko.

"Irish!"

Spence? Napalingon ako nung may marinig akong tumawag sakin.

Akala ko si Spence..yung teammate pala niya sa basketball! Nakaka-frustrate pero hindi ko na lang pinahalata.

"Bakit?", tanong ko sa kaniya

"Nakita mo ba si Spence?"

"Hindi eh!"

Napakamot ng ulo ang teammate ni Spence

"Ah sige! Kailangan na kasi naming magpractice para sa basketball..wala pa siya!"

"Hindi ko nga rin alam kung saan siya nagpunta eh!"

Pagkatapos nun ay nagpaalam na yung lalaki!

"Napaka-VIP talaga ng Spence na yan! Andaming naghahanap sa pagkawala niya", sambit ni Jamie na medyo naiirita pa.

Hindi na lang ako sumagot.

Maya-maya pa, biglang may tumawag sakin na unknown number. Baka si Spence na 'to? Nagpalit lang ng number.

"Hello?"

"Hi I!"

Isang boses ng lalaki ang tumawag sakin ng I ..at si Spence lang ang tumatawag sakin niyan.

Hmmm...kaso parang hindi naman ka-boses ni Spence.

"S-sino 'to?", takang-taka kong tanong

"Secret!" , pagbibirong sagot ng nasa kabilang linya. Bagay na kinainisan ko!

"Hoy ikaw kung sino ka man, wala akong panahon sa biro mo!", pagkatapos ay ibinaba ko na

Nagulat naman si Jamie sa pagsigaw ko, dahilan para mapatigil siya sa pagnguya.

"W-wait...sino yun?"

"Sobrang strange na stranger!", sagot ko in a sarcastic way

"Malamang, stranger eh!", sagot ni Jamie pagkatapos ay nagkibit-balikat siya.

Nagsimula na rin akong kumain nang magtext yung unknown number

-----------
Alam ko kung asan si Spence!
-----------

Nagulat ako sa nabasa ko. Part of me wants to believe him pero part of me wants to snob what he said.

--------
Che!
--------

Reply ko sa kaniya!

Akala niya maloloko niya ako. No way!

--------
Ayaw mong maniwala?
--------

Nagreply ulit ako sa kaniya..

------
Hindi kasi kapani-paniwala
------

--------
Ikaw ang bahala!
-------

Maya-maya pa, may natanggap akong photo from the unknown number. Pagtingin ko, nakita ko si Spence, naka-blindfold, nakatali ang kamay, at nakaupo sa isang upuan.

Nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat. Naramdaman kong lumakas ang kabog ng puso ko sa sobrang pag-aalala

"Problema mo?", tanong ni Jamie na noon ay busy sa pagsubo ng pagkain

"Nasa panganib si Spence!", sagot ko habang nakatingin pa rin sa litrato sa aking cellphone!

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon