Chapter 3 - Pizza Day

2.3K 80 3
                                    

(Irish's PoV)

Naglalakad na kami ngayon ni Spence tutal malapit lang naman kami sa mismong bayan. Si baby? Ayun behave siya sa kaniyang stroller

"San lakad natin?", tanong ko sa kaniya para basagin ang katahimikan.

Ang totoo, palihim ko siyang sinusulyapan kasi...ang pogi talaga niya!

Hay...Spence..ba't ka ba kasi ganyan...ang pogi mo, marunong ka pang magdala ng porma at napakatalino mo!

At bigla akong napaisip! Hindi ko maiwasang i-imagine na one happy family kami ngayon. Yun bang anak namin si Baby Ken!

"Sa pizza parlor!"

Siguro ang sarap maglakad nang ganito na isa kaming family tapos naka-holding hands kami at tinutulak namin yung stroller ni baby..

Hindi ko maiwasang mapangiti

"Ba't nakangiti ka diyan?", gulat niyang tanong

"H-huh????"

Nakita kong kumunot ang noo niya.

"Ang weird mo!", tanong niya saka niya diniretso ang kaniyang tingin sa daan

Nakakahiya...nahuli niya akong nakangiti!

"Uhmmm...a-ano na kasi yung sinasabi mo?", tanong ko sa kaniya

"Tinatanong mo kung saan tayo..so ang sagot ko, sa pizza parlor!"

"P-pizza parlor?", medyo nagulat ako

"Oo diba yun ang usapan? Tsaka...bakit? Ayaw mo na ba ng pizza ngayon?", pagtataka niya

"Diba dapat..last 'yun. Kakain ka pag pagod ka na sa kakapasyal?"

"Eh..wala naman na tayong ibang pupuntahan. 'Yun lang naman ang usapan eh!"

So magyayaya lang talagang kumain 'tong lalaking 'to. Akala ko pa man din date!

Nawalan na tuloy ako ng ganang mamasyal ngayon!

Readers, secret lang natin na crush ko si Spence ah hihi...

"Ok so bago tayo kumain...s-saan tayo?"

Napalingon siya sakin..

"San mo ba gusto?"

Nag-isip ako ng kaonti!
.

.

.
---------------
.

.

.

Andito kami ngayon sa Department store.

"Ano'ng bibilhin mo dito?", tanong ni Spence

"Wala! Magtitingin lang!"

"Mga babae talaga!"

And he shook his head

Pumasok kami roon. Ang una kong gustong tignan talaga ay sa shoe section at bag. Hindi ako mahilig sa shoulder bag pero bet na bet ko ang backpack o sling bag.

Habang naglalakad kami, biglang narinig naming umiyak si Baby kaya kami napatigil

Agad kong hinarap si baby

"Oh...baby? Ba't ka umiiyak? Gutom ka ba?"

Pagkatapos ay binigyan ko siya ng gatas.

Tumigil naman saglit kaso binato niya yung milk at umiyak ulit.

Agad ko itong pinulot at binalik sa kaniya kaso ayaw niya eh!

Kinuha ko siya sa stroller at kinarga. Pagkatapos ay tumahimik naman siya!

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now