Chapter 6 - The order

2K 69 3
                                    

(Marcus' PoV)

The next day morning, hindi ako pumasok sa klase ko. Nag-imbestiga ako para malutas na ang kaso at malaman na kung sino ang pumatay kay Spence.

Pagkatapos kong mag-imbestiga at dahil umaasa akong may magtungo sa crime scene tulad kahapon nung makita ko ang naka-long sleeves, tumambay ako sa rooftop habang nakatingin sa crime scene.

Spencer Quijano! Magaling, matalino, tinaguriang teenage detective pero maikli lang ang naging buhay. Sayang! Gusto pa man din kitang makita at makilala ng personal kaya ako umuwi ng Pilipinas kaso ganito pa ang nadatnan ko. Wag kang mag-alala...hindi man tayo nagkakilala ng personal, alam kong mabuti kang tao at wala kang hangad kundi tumulong na magbigay ng hustisya. Ngayong ikaw naman ang nangangailangan nito, tutulungan kita. At ipagpapatuloy ko ang nasimulan mo!

"Speeeeeence!!! Sana buhay ka paaaaa!!!"

Habang nag-iisip, bigla akong may narinig na sigaw.

Nung una akala ko si Irish kaso paglingon ko, iba!

Tungkol din kay Spence ang isinisigaw niya. Wag niyang sabihing, isa rin ito sa mga admirers ni Spence?

Nakatingin lang ako sa kaniya at napansin kong lumuluha siya.

Mayamaya pa ay nakita kong inaakyat niya ang rails ng rooftop! T-teka...i-ibang usapan na 'to...

Mukhang balak niyang magpakamatay!

Agad ko siyang kinausap!

"M-miss...n-no! D-don't do that! I know life is unfair but it will be more unfair kung magpapakamatay ka!"

Nilingon niya ako. Gulat na gulat siya habang namumugto ang kaniyang mga mata!

"Please! Bumaba ka diyan!"

"You don't know what-----"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil hinila ko na siya agad pero dahil biglaan ang paghila ko sa kaniya, na-out of balance siya at natumba na lang kami pareho. Siya ay nasa ibabaw ko!

Magkalapit ngayon ang mukha namin. She's pretty!

Nang bumalik siya sa katinuan, agad kaming napa-tayo.

"This is a mistake!"

'Yan na lang ang kaniyang nasabi at tumakbo na siya. Susubukan ko sana siyang habulin ngunit naalala ko, mayroon pala akong dapat gawin tungkol sa kaso.

Aalis na rin dapat ako nang may mapansin ako sa floor!

Ang ID ng babae kanina. Binasa ko ang kaniyang pangalan

"Sherry Sandoval!"

----------
(Irish's PoV)

Ngayon ang pangatlong araw na nabubuhay akong parang zombie. Kumakain ako, humihinga ako pero parang walang silbi ang buhay ko.

Ang hirap talagang mawalan ng kaibigang tulad ni Spencer Quijano.

Andito ako ngayon sa aming classroom. Busy sa pagdi-discuss ang aming teacher habang ako naman, busy sa pagsusulat ng pangalan ni Spence. Ngayong wala na siya, ngayon ko lang na-realize kung gaano pala kahalaga si Spence sa 'kin.

Kung alam ko lang na mawawala na siya sa 'kin agad, sana sinulit ko na lang yung mga pagkakataong kasama ko siya. Sana nung ball, hindi na lang ako nainis sa kaniya.

Hindi ko na napigilan, pumatak ang aking luha sa mismong nakasulat na pangalan ni Spence.

Pinunas ko ang aking luha at sinikap kong pigilan ang pag-agos nito para hindi ako mapansin ng mga ka-klase ko.

------

"Class dismiss"

Lumabas na ang aming teacher. Agad naman akong nagtungo sa aking locker para iwan ang aking aklat.

...

..

...

...

Pagka-bukas ko ng aking locker, napakunot-noo ako nang may makita akong naka-tuping sulat sa loob.

Ang pambungad na nakasulat: Please, importante lang!

Full of curiousity, binuksan ko ito at binasa.

"4:00 pm, please gather everyone. Sa kanto! Nalutas ko na ang kaso."

Nang mabasa ko ito, napa-isip ako agad..kanino 'to galing?

Kung makapag-utos naman! Tsaka  bakit ako ang inuutusan?

One more thing, sino kaya 'to?

Gusto ko sanang isipin na si Spence yun! Sana siya nga.

Napabuntong-hininga ako para i-release yung nararamdaman kong lungkot.

"Ano yan?"

Agad akong napalingon sa nagsalita!

"Jamie!"

Agad niyang hinablot ang paper

"Kanino galing to?", tanong niya nung mabasa ang nakasulat

Nagkibit-balikat lang ako..

"Sayang, mati-trace sana natin kung kaninong handwriting 'to kaso typewritten naman!"

"Oo nga eh!"

"So, iga-gather mo?"

"Ewan! Hindi ko naman kilala 'tong sumulat!"

"Baka naman si Spence?", tanong ni Jamie

Sana nga siya na lang!

"Isa lang ang kilala kong nag-iimbestiga sa kaso, si Marcus o si Lolo"

"Parang hindi naman ang Lolo mo yung tipong magsusulat ng ganito at palihim na magla-lagay sa locker mo! Ano siya gangster? Gu Jun Pyo lang ng Boys Over Flowers ang peg? Kung si Marcus naman...eh di dapat kinausap ka na lang niya ng personal"

Napaisip ako sa sinabi niya. Posible! Pero kung si Spence 'to eh di sana nagpakita siya sa 'kin o tumawag. Mas lalo lang akong nalulungkot pag naiisip 'to.

"Ok! To clarify things...siguro mas ok kung puntahan natin si Marcus at tanungin na lang siya"

Nang masabi 'yun ni Jamie, agad niya akong hinila at dinala sa room nina Marcus!

"Hi! Uhmmm...nakita niyo si Marcus?", tanong ni Jamie sa isa sa mga kaklase niya

"Marcus? Hindi siya pumasok eh!", pagkatapos ay umalis na

Maya-maya pa ay nakasalubong namin ang kanilang class president

"Hi Max! Nakita mo ba si Marcus?"

"Naku, sabi niya sakin, hindi siya papasok. Kailangan daw niyang tapusin ngayong araw na 'to ang imbestigasyon niya sa kaso ng natagpuang biktima sa may kanto. Ewan ko ba dun! Obsessed sa kaso"

"Parang Spence lang kung mag-investigate! Sige salamat...", sagot ni Jamie saka kami umalis

Parang luging-lugi akong nagsalita

"So si Marcus nga ang nagpadala ng sulat. Busy siyang lutasin ang kaso kaya wala na siyang time na sabihin sa 'kin ng personal!", malungkot kong sambit

"Kung ganoon, I think you need to trust him at least once!", suggestion ni Jamie

Kahit ayoko sana, tumango na lang ako. Wala din naman akong choice!!

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now