Chapter 7 - More Clues

1.9K 83 15
                                    

(Spence's PoV)

After our talk at the canteen, hinatid ko siya sa kanilang office.

"Dito na ako!", sambit niya.

Tumango lang ako..

Papasok na dapat siya sa loob nang bigla akong may maalala

"Uhmmm...I!"

Napalingon siya sakin habang nakatingin ako sa may CCTV.

"Kailan pa kayo nakabili ng CCTV?", tanong ko sabay turo sa CCTV.

Napatingin siya sa aking tinuro at tinignan niya ako..

"You mean, kung kailan pa nakabili ang school?"

"Hindi ba SSC ang bumili niyan?"

"Hindi! Bakit naman kami bibili niyan eh wala namang dapat bantayan dito sa tapat ng office namin.", sagot niya.

"Ah so binili ng school?", tanong ko sa kaniya..

"Ewan! Meron din ba sa tapat ng office?"

Nagkibit-balikat lang ako. Parang dito lang naman ako may nakitang ganito.

"Sige...alis na ako!", paalam ko. Tumango siya at pumasok ako sa loob.

Dumiretso ako sa may office para icheck kung may CCTV roon.

Kaso...wala akong nahanap.

Kung bumili ang school ng CCTV, bakit sa tapat ng SSC inilagay?

Samantala, dahil wala akong nakitang CCTV, napatingin na lang ako sa hellhound. Nakatingin ako rito habang nag-iisip. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maipaliwanag yung something sa mata niya.

"Oh..batang detective!"

Ako ba'ng tinutukoy niya? Napalingon ako and it's the school Principal. Nakatingin siya sakin so ako nga ang tinutukoy.

Lumapit siya at pinagmasdan ang statue.

"Good afternoon po sir!", bati ko sa kaniya. Tinignan lang niya ako at muling ibinaling ang kaniyang atensyon sa statue.

Maya-maya pa ay bigla niya akong tinanong

"Ano, iniimbestigahan mo ang statue?", natatawa niyang tanong

Napatingin lang ako sa kaniya.

"Alam mo Mr. Quijano, kung tungkol to sa sinasabi nilang nabubuhay yang hellhound na yan pag gabi, hindi yun totoo. Kaya wag ka nang mag-aksaya pa na imbestigahan ang bagay na yan! Magfocus ka na lang sa pag-aaral mo!", pangaral niya sakin. Teacher na teacher ang dating ah.

Napatingin ako sa kaniya saka nagtanong

"Paano mo nasabing hindi totoo sir?",

"Ah eh...."

Tila hindi niya inakalang ganun ang itatanong ko sa kaniya.

"....kasi kalokohan lang yan. Supernatural? Walang ganun! Nabubuhay tayo sa realidad hindi pantasya."

Hindi ako umimik.

"Mawalang galang na po sir. Hindi ba't ang gawain ng isang imbestigador ay ang maghanap ng ebidensya kung papaano nangyayari ang isang bagay. Kaya ko sinusubukang alamin dahil hindi lang umiikot ang mga bagay na ganito sa pantasya. Diba Science ang major mo? Nakalimutan mo yatang Science brings fantasy into reality."

Hindi siya nakaimik at tila napahiya siya though hindi ko naman intention na mapahiya si Mr. Principal.

"Sinasabi mo bang kagagawan ito ng science?"

CLUE DETECTIVEΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα