Chapter 3 - BF's Advice

1.9K 69 27
                                    

(Sherry's PoV)

Nadaanan ko ang hellhound statue papunta sa aking next class. Hindi ko maiwasang mapatigil at mapatingin sa statue na yun.

Pano naman kaya nabubuhay ang statue na 'to eh statue lang naman. Made of silver. Ininspeksyon ko itong mabuti..made of silver lahat. Napahawak din ako. Perfect ang texture niya sa pagiging silver. Parang wala namang bakas na nabubuhay 'to pag gabi.

Andami nang nakakitang nabubuhay 'to pag gabi pero ang hirap pa ring maniwala. Isa pa, hindi naman totoo ang hellhound. Gawa lang yan ng malikot na imahinasyon ng mga tao.

Napahinga ako ng malalim. At napatitig ako sa mata nito.

Sabi nila nagglow daw ng red ang mata nito.

Nakatingin lang ako nang biglang...

"Huh?", yan na lang ang naging reaksyon ko.

Ba't parang feeling ko, namula yung mata ng hellhound?

.

.

.

Hindi..hindi yun totoo. Feeling ko lang 'to. K-kasi iniisip ko kanina yung tungkol sa mata niya pag gabi.

Napatingin ulit ako at napatitig sa mata nito. Ewan ko ba..parang may magnet yung eyes niya na parang ini-invite akong tumingin sa mga mata nito.

At muling...

Mas mapula na naman yung mata niya. Tinignan ko itong mabuti pero nawala rin agad.

Pero sigurado ako..sigurado akong nagglow yung eyes niya. ...

"Waaaaaaaaahhhhhh!", at sa sobrang takot...

Tumakbo na lang ako...

BOGSSSSSHHH!

At napaupo ako sa sobrang lakas ng pagkakabunggo ko sa kung sino man yun.

"S-sorry mi---Sherry?"

Sinubukan niyang i-offer ang kaniyang kamay para tulungan ako sa pagtayo pero tinigna ko lang ito at tumayo ako mag-isa.

Napalitan ng inis ang takot ko nung makita ko kung sino ang nakabunggo sakin.

"Oo ako 'to...at hindi mo man lang tinitignan yang dinadaanan mo!"

"I'm sorry I was busy with my phone when you came running---wait...bakit ka nga pala tumatakbo?"

At dahil hindi kami friends...

"None of your business!"

Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mata ko nung makita kong late na ako kaya nagmadali na ako sa pagpunta sa next class ko. Si Marcus? Ayun..naiwan mag-isa.

(Irish's PoV)

"Ewan ko ba..naguguluhan ako!", sagot ko kay Spence nung tinanong niya kung tungkol sa Hellhound statue kung bakit ako ganito.

Hindi niya ako sinagot. Pero sa tingin ko, either naghihintay siya ng karugtong sa sasabihin ko or nag-iisip siya ng sasabihin sakin!

"Bakit kasi nagpapa-apekto?"

Naguluhan ako sa sinabi niya at napatingin ako sa kaniya...

"Bakit hindi? Eh tungkol sakin 'to!"

"Hindi naman talaga 'to tungkol sayo eh! Tungkol 'to sa hellhound statue!"

Alam kong may point siya pero hindi na lang ako umimik at napaisip sa sinabi niya. Oo nga naman. Tungkol talaga yung sa hellhound statue pero feeling ko, ako yung naiipit sa sitwasyon.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now