Chapter 16 - Caught!

821 33 0
                                    

(Irish's PoV)

"Okay class, good morning!"

Nabitin ang usapan namin. Andito na pala si ma'am. Nagsibalikan kami sa aming upuan kaya hindi na nasabi ni Spence yung hinala niya.

Ano kaya yun? Ibang klase talaga pag-iisip ni Spence.

..

..

..

--------------
3:55 pm

(Irish's PoV)

Asan na kaya si Spence? Andito lang siya sa school kanina ah. Ngayon, hindi ko na naman siya mahagilap.

Napatingin ako sa aking relo. Hay naku ano'ng oras na.

Nakita ko yung isang kaklase namin.

"Nakita mo ba si Spence?"

"Spence? Nakita ko siya kanina lumabas ng gate."

"Sigurado ka?"

"Oo!'

"Sige salamat."

Saan magpupunta yun?

Nagtungo ako sa guard house para magtanong. Para masiguro din yung sinabi ng kaklase namin.

"Kuya, nakita niyo po ba si Spence?"

"Si Spence? Yung magaling magsolve ng kaso?"

"Opo. Siya nga."

"Ay..umalis. May importante daw siyang pupuntahan."

Hindi na ako umimik. Sapat na yung mga sinabi ni kuya guard.

"Sige salamat po"

Nakakainis yun. Usapan namin pupunta kami dun sa sinasabi ni Sherry tapos bigla niya akong iiwan.

Lumayo ako sa kanila. At tinawagan si Spence.

Ilang ring pa lang ay nasagot na niya ito.

"Hello..Irish!"

Hindi ko na napigilan yung inis ko.

"Alam mo ikaw nakakainis ka eh! Usapan natin pupunta tayo sa sinasabing lugar ni Sherry. Kanina pa kita hinahanap tapos malalaman ko nakaalis ka na pala ng school. Napaka-makasarili mo. Nakakainis, nang-iiwan sa ere."

Umirap ako sa inis kahit hindi ko siya kaharap.

Ramdam kong napabuntong-hininga siya.

"Irish, kalma! Hindi naman kita iniwan eh. May pinuntahan lang ako. At babalikan naman talaga kita."

Hindi ako naniniwala.

"Talaga!?", sarcastic kong tanong

"...baka sinasabi mo na lang yan para lumusot"

"Hindi. Will explain later.", kalmado niyang sagot

Hindi ako umimik.

"On the way na ako. Hintayin mo ako sa gate."

Hindi ako sumagot. Ibinaba ko na lang ang tawag.

Lumabas ako sa gate at hinintay ko siya.

Maya-maya pa ay isang silver na Chevrolet car ang tumapat sakin. Maya-maya pa ay na-roll down ang window.

"S-Spence?"

"Tara!"

Napalunok ako. Hindi ko akalaing naka-kotse siya ngayon.

Binuksan ko ang door at sumakay.

At nagtungo na kami sa sinasabi ni Sherry.

Hindi ako umimik. Hindi dahil sa naiinis ako sa kaniya kundi dahil naiinis ako sa sarili ko. Masyado akong nagpadala sa inis ko. Dapat nagtanong muna ako sa kaniya ng maayos bago ako nainis.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now