Chapter 2 - New Assistant

3.3K 118 4
                                    

5:30 na no'ng makauwi ako sa bahay. Nadatnan ko si Papa sa kusina nagka-kape. Ang hilig talaga niya sa kape.

"Anak. You're here! How's school?"

"Ok naman! Wala kang trabaho?"

"Nag-insist akong mag- day off. I feel like I need to relax."

He's acting weird. Ngayon ko lang siya nakitang mag-day off. Dati gusto niya nasa work lagi dahil ayaw niyang ma-bored. Oo nga pala, since andito naman si Papa, pwede akong humingi ng tips sa kaniya tungkol sa pen mystery.

"Uhmm, Pa!"

"Hmmmm?"

"Have you encountered a mystery already? I mean, it's not some kind of mystery about murder!"

"What do you mean?"

Kinwento ko kay Papa ang tungkol sa nawawalang ballpen!

"So you think it's something unusual?"

"I think so. Actually it's bringing fear to my classmates. Parang sinasadya raw kasi. Seems someone is trying to scare us."

Napa-kunot noo si Papa habang napapa-isip.

"You have a point but it's weird because just their ballpen missing and they already panic."

"Yeah. Maybe!"

"Why? You want me to investigate about this?"

I'm glad na nag-offer ng tunkol si Papa.

"No it's alright! We'll just handle it ourselves!"

Siyempre ayoko naman na isang napakaliit na bagay lang tapos ma-a-aksaya pa ang oras niya. Ngayon nga lang siya nag-insist ng day-off!

"You sure?"

Tumango lang ako.

"I believe you can handle it yourself."

'Yon ang gusto ko kay Papa, pinapakita niya na may tiwala siya sa 'kin. Nginitian ko lang si Papa at umakyat na ako papunta sa kwarto ko.

------------

Going to school again. Ano kaya ang mangyayari ngayon!

"Good morning, Spence!"

Pagpasok ko sa gate, may bumati sa aking dalawang babaeng naglalakad. Nagpapa-cute pa 'yong isa.

"Hoy tigilan niyo nga si Spence my love ko!"

Oh no! Andito si Sherry. Samantala, sinimangutan lang naman siya ng mga bumati sa 'kin.

"Spence, alam kong naiirita ka sa gano'n, pag-pasensyahan mo na sila ah!"

Nahahalata niyang naiirita ako sa gano'n pero hindi niya naiisip na she's included when I say, 'Irritating'

"Wala ka pang klase Sherry?"

"Wala pa naman. Na-miss kita!"

"Ah...eh s-salamat. May gagawin pa kasi ako kaya bye!" agad kong paalam sa kaniya para makaiwas.

"Wait lang samahan mo muna ako. Lagi ka namang ganyan! 'Pag andito ako lagi kang gumagawa ng excuse samantalang wala lang naman akong ibang hinangad kundi ang makasama ka," tila nagtatampo niyang sagot. 

Para namang may epekto sa 'kin 'yang pagga-ganyan niya.

" Siya nga pala, diba may mga nawawalan ng pen sa class niyo?"

"Talaga pa lan kumalat na ang bagay na 'yon!" sagot ko sa kaniya. Suddenly, I became interested talking to her.

"Oo, pati nga taga-ibang section natatakot na rin dahil do'n!"

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon