Chapter 5 - Riddles

839 33 1
                                    

(Spence's PoV)

Sinenyasan niya yung isa sa mga tao niya at merong iniabot sa kaniyang mga tatlong naka-roll na piraso ng papel

Pinagmasdan niya ito at pagkatapos ay ibinaling niya sa akin ang kaniyang tingin.

"Nakikita mo 'tong mga papel na 'to? Dito nakasulat ang mga puzzles na kailangan mong sagutin."

Dahan-dahan akong tumayo nang maramdaman kong kaya ko na.

"Kaya mo ba talagang mandamay at pumatay? Kaya ba talaga ng konsensya mo yun?", tanong ko sa kaniya

Isang nanlilisik na tingin ang ibinato niya sakin.

"Sa tingin mo ba gagawin ko 'to kung hindi ko pala kaya ha? Binibigyan na nga kita ng pagkakataong iligtas silang lahat eh! Kaya sagutin mo na lang ang mga puzzle sayo!"

"Bakit mo ba kasi 'to ginagawa ha?"

Hindi niya pinansin ang tanong ko. Bagkus, ibinato lang niya ang naka-roll na isang pirasong papel. Sakto ito sa harap ko.

"Yan! Pulutin mo yan nang masimulan mo na."

Binigyan ko siya ng nanlilisik na tingin. Pagkatapos ay pinagmasdan ko ang papel.

Nag-pray ako sa isip ko saka ko ito pinulot.

I unrolled it.

"The minute you start reading it, the time starts"

Pagkatapos ay nagfocus siya sa kaniyang Ipad. Tila binabasa niya dun yung tanong o nagta-timer siya.

Ako naman, hindi maipaliwanag na kaba ang aking nararamdaman. Buhay ang nakataya sa kahit isang pagkakamali ko lang.

I need to focus on the riddle. Usually, kailangan lang ng sapat na analyzation at comprehension para masagot ito ng tama.

Binasa ko ang riddle.

A man was killed in his office.

Pagsisimula ko sa isip ko

At the time of murder there were only four people in the office: Bill, Tom, Harry and Mike.

When police interrogated them, they gave the following statements.

Bill: “Tom did it.”
Tom: “Bill did it.”
Harry: “Tom’s telling the truth.”
Mike: “Harry’s not lying.”

After analysis, the police found out that only one person was telling the truth and the rest were lying. Can you analyse the statements and determine the killer?

5 minutes lang yung time na binigay kasama pa dun ang pagbabasa. Baka kapusin ako sa oras dahil ang haba ng riddle.

"Isip!", utos ng kidnapper

Pinagmasdan kong mabuti ang riddle at inanalyse ang sitwasyon.

Bill: “Tom did it.”
Tom: “Bill did it.”
Harry: “Tom’s telling the truth.”
Mike: “Harry’s not lying.”

Kapansin-pansin na bawat isa sa kanila, may kaniya-kaniyang itinuturong suspek.

Si Bill, itinuturo si Tom.
Si Tom, itinuturo si Bill

In other words, nagtuturuan sila.

Kung sinasabi ni Harry na nagsasabi ng totoo si Tom, ibig sabihin, naniniwala siya na si Bill ang culprit dahil yun ang statement ni Tom. Ganun din si Mike, kung nagpapatotoo siya sa mga sinasabi ni Harry, kung ganoon, sumasang-ayon din siya na si Bill ang pumatay.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now