Chapter 4 - Facts

3.6K 137 7
                                    

(Spence's PoV)

Inunat ko ang aking mga kamay habang nakahiga pa. Mayamaya pa'y biglang nagvibrate ang aking cellphone. Nag-text si Coach.

*Team, ime-meet ko kayo sa office ng 7:30 am.

Agad akong bumangon nang makita kong 6:45 am na.

Nang maihanda ko ang tatakbo na dapat ako nang muling magvibrate ang phone ko. Binasa ko ulit ito at nagtext si coach.

*I changed my mind. Hindi ko na kayo imeemeet. Just be there at the court before the game starts.

'Yan ang nakalagay sa text. Hay grabe naman si coach, nagmadali madali pa ako. Pero ano kaya'ng problema ni coach? Ngayon lang siya may binawing order ah! Ibababa ko na sana ang phone ko nang bigla kong masulyapan ang mas nauna niyang text na dahilan kung bakit mas nagmadali ako.

Nasa panganib si coach!

Tumakbo ako ng mabilis. Agad akong nakarating sa gate at unang una kong tinanong ang guard.

"Good morning. Sa'n nagtungo si Coach Anghelo?"

"Bakit?"

"Just tell me."

"Do'n yata sa faculty. Kadalasan kasi siyang dumidiretso room para maglog-in."

"Ok thanks!"

Papasok na dapat ako sa loob nang bigla akong harangan ni manong guard.

"Hep! Hindi ka pwedeng pumasok. No ID, no entry."

Napatingin ako sa may dibdib ko at wala nang nakasabit na ID.

"Pati ba naman ngayon? Eh sportsfest naman ah!"

"Kahit na. In-order ni Principal na kailangang maging mahigpit para maiwasan ang pagpasok ng mga hindi estudyanteng nagpapasimuno ng gulo. Sa katunayan pati mga bisitang taga-ibang eskwelahan chini-check ang ID nila bago makapasok!"

"Pero alam mo naman nang estudyante ako dito diba?"

"Kahit na! Kailangan daw maghigpit. Hindi ko na kasalanan kung iniwan mo."

Hay naku naman, wrong timing. Ngayon pa naman maghihigpit kung kailan emergency.

"Pasensya na pero kailangan kong makapasok. This concerns coach Anghelo."

"Hindi mo pwedeng gamitin ang pangalan ni coach para lang makapasok."

Hay naku naman! Naiirita na ako sa guard na 'to ah. Kinuyom ko ang aking mga palad habang tinitignan ko siya ng matalas na tingin.

"Seryoso ako. I need to see him, i need to warn him, worst I need to help him."

"Bakit ano'ng nangyari?" curious niyang tanong.

*BLAGGGG!

"Wala nang oras!"

Napapalo na ako sa mesa dahil andami pa niyang tinatanong!

"Sige na po, papasukin niyo na kasi, mahaba na ang pila oh!"

Tinignan ko ang estudyanteng nagsalita sa may likuran ko.

Sa huli, walang nagawa si guard kundi papasukin ako.

"Salamat!"

Tumakbo agad ako!

" 'Pag nabalitaan 'to ni madam Principal, ikaw ang mananagot!" pahabol na sigaw ni Manong Guard.

" 'Wag kang mag-alala, sabihin mo lang, anak ako ni Detective Benjamin Quijano."

Nagulat lahat ng nando'n nung marinig nila ang sinabi ko. Good thing isa si Principal sa mga natulungan ni Papa.

Nagpunta agad ako sa faculty. Nadatnan ko roon si Mrs. Wesner, ang aming English Literacy teacher, at si Sir Arthur. Nakaupo silang pareho. Si Mrs. Wesner, nagsusulat sa notebook pero di ko alam kung ano ang isinusulat niya. Si Sir Arthur naman, may kausap sa kaniyang cellphone. Dahil wala roon si coach Anghelo, nagpatuloy lang ako sa paghahanap sa kaniya. Baka nasa office siya.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now