Chapter 3 - Interconnected

868 36 4
                                    

(Spence's PoV)

Binasa ko ang nakasulat sa isang building.

Foodfast house!

Dito na nga yung workplace ni Maia.
Madalas kong marinig 'tong kainan na 'to pero never pa kasi ako nagpunta dito.

Pumasok ako doon at saktong pinupunasan nung isang crew ang mesa na malapit sa pinto.

"Excuse me!", sambit ko

Agad naman siyang napalingon at napatigil siya sa kaniyang ginagawa.

"I-ikaw si Spencer Quijano!"

Hindi siya makapaniwala

"Miss andiyan ba si----

"Maia?? Sabi ko na nga ba siya'ng pakay mo eh! Wait lang tawagin ko lang siya"

Tumango na lang ako.

Nagmadali siya papunta sa may kitchen nila para tawagin si Maia.

.

.

Nang makapasok siya, narinig kong may nagtilian sa loob.

Nang tumigil ang tilian, nakita kong  lumabas si Maia na hinahawi pa niya ang kaniyang buhok.

"Spence!"

Nakangiti siya habang papalapit sa'kin.

"Maia, busy ka ba? Pwede ba kitang makausap?"

"Hindi. Hindi ako busy. Tungkol saan?"

Pinagmasdan ko siya. Iniisip ko na maaari ko siyang masaktan sa mga sasabihin ko.

Mabait naman siya sakin. At marami din siyang pabor na nagawa para sakin.....

.

.

.

.....tama! Gagawin ko 'to, at magpapakatotoo ako para rin 'to sa ikabubuti niya.

"Tungkol satin!"

At naglakad ako palabas. Tumigil ako sa bandang gilid sa may lilim kung saan walang masyadong tao. Nakasunod naman siya sakin.

"Ano'ng tungkol satin?", nakangiti niyang tanong

Mukhang excited siya.

Binigyan ko siya ng malungkot na tingin para ipakita na hindi siya dapat mag-expect ng maganda.

"Maia...", pagsisimula ko habang iniisip kung ano ang mga susunod kong sasabihin.

Hindi pala ganun kadali!

"May problema ba??"

Hindi ako umimik.

Napabuntong-hininga ako.

"Spence kung tungkol 'to kaninang umaga, nadala lang ako kaya kita nayakap. S-sorry kung dahil sa'kin nagka-bad record ka sa school niyo!", sincere niyang paliwanag.

"3 day-suspension ang consequence nun sa school", sagot ko.

"Naku sorry talaga. Wag kang mag-alala. Mamayang ibibigay ko yung mga order magpapaliwanag ako dun!"

"Hindi. Hindi mo kailangang gawin yun! Hindi ako nagpunta dito para dun."

"Eh bakit ka nagpunta dito?", tanong niya habang nagpipigil ng ngiti

"Maia...n-narinig ko kasi yung mga sinabi mo kaninang umaga nung may kausap ka sa phone!"

Nakita kong namula ang mukha niya nang sabihin ko yun!

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now