Chapter 11 - Marcus' treat

907 34 10
                                    

(Spence's PoV)

Baka kasama niya si Irish.

"Magandang tanghali po!", bati ng kasama niya

"Sherry!", sambit ni Mama at Papa

Akala ko si Irish.

Siguro nga galit pa rin siya sakin. Pero ok lang. Ang importante ligtas siya at wala na yung mga goons na makakapanakit sa kaniya.

"Ano? Ayos ka na ba? Hanggang kelan ka daw dito?", tanong ni Sherry.

"Ok na ako. Sabi ni Mama, kahit hanggang bukas na lang daw kami. Sa bahay na lang ako magpapahinga"

"Spence, ok lang ba kung alis kami ng Papa mo saglit. Bibili lang kami ng supplies", paalam ni Mama

"Sige lang po ma. Kaya ko naman po sarili ko."

"Pakibantayan muna si Spence", bilin ni Mama kina Sherry, Jamie, at Maia.

"Sure po", sabay-sabay nilang sagot.

"Gagawin po namin yan kahit hindi niyo po ibilin", paniniguro naman ni Maia.

"Hija..salamat! Napaka-swerte ni Spence na nakilala ka niya", sambit ni Mama.

Maya-maya pa ay lumabas na sila.

"Dadalaw raw mamaya yung teammates mo sa basketball kung hindi ka pa pagod matanggap ng dalaw", sambit ni Sherry

"Oo naman!", sagot ko.

Tinignan ko silang dalawa. Si Maia, umupo sa sofa habang hinayaan niya kaming mag-usap nina Jamie at Sherry.

"Friends pala kayo?", pagtataka ko.

Kasi parang never ko naman silang nakitang magkasama o nagkausap sa school.

Nagtinginan silang dalawa

"Sakto kasing papunta rin siya dito kaya sumabay na ako sa kaniya", sagot ni Jamie

"Si Irish?"

"Ay sasama dapat siya eh...kaso bigla siyang pinatawag ng SSC adviser niya."

"Ganun ba?"

Maya-maya pa ay biglang may nag-ring ang phone.

Nakita kong sinagot ni Sherry ang phone niya saka siya lumayo.

-----------
(Sherry's PoV)

Lumayo ako nang sagutin ko yung phone. Tumatawag si Marcus. Parang may kung anong excitement na tumusok sa puso ko.

Nagpunta ako sa may pinto.

"Marcus!"

"Sherry, are you busy?"

"Bakit?"

"Everything is now settled on the case of the goons. Tapos si ate, she already arranged our flight"

Yung tuwa parang panandalian lang dahil nabanggit niya ang flight. Ibig sabihin, aalis na sila. I don't find any reason this time para ma-extend yung stay nila dito.

"That's great then", sagot ko.

"If you're not busy today, pwede ba tayong makita? May alam akong cafe na may masasarap na pagkain!"

"Sige!", masaya kong sagot.

Agad akong nagpaalam kina Spence at Jamie....at pati na rin kay Maia.

At nagpunta ako sa isang cafe na sinabi niya.

Pagdating ko dun, agad akong sinalubong ng isa sa mga waiter para ihatid sa table na pinareserve. Hindi ko alam kung pano niya nalaman na ako si Sherry.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now