Chapter 1 - State of Panic

927 32 0
                                    

(Irish's PoV)

Papunta na kaming classroom nang biglang mag-ring ang phone.

Tumatawag si Lolo!

"Lolo! Napatawag ka?"

"Irish, apo, tandaan mo 'tong sasabihin ko ah!", sambit niya.

Hindi ko alam pero sa tono ng pananalita niya, parang nasa state of panic siya.

"'Wag na wag kang lalabas ng school hangga't wala ako. Pag-uwi mo mamaya, susunduin kita. And when you notice anything suspicious around you, balitaan mo agad ako ah!", pag-aalala niya

"S-sige po Lo!", pagtataka kong sagot.

.

.

Hindi ko na napigilang magtanong

"B-bakit po parang sobrang nag-aalala po kayo?"

Hindi siya agad nakasagot. Pero mas lalo akong nagtaka nung magsalita siya.

"W-wala naman Apo. Siyempre bilang Lolo mo, kailangan ko talagang siguruhin na maayos ka."

This time medyo nagsubside yung panic niya. Pero dahil kilalang kilala ko na ang lolo ko, alam kong kakaiba ang kinikilos niya ngayon.  Parang meron siyang hindi sinasabi.

"Lo, ano po ba talaga'ng nangyayari?"

Hindi kasi talaga maganda ang pakiramdam ko. Lalo na't naninibago ako kay Lolo.

"Basta apo, lagi kang mag-iingat at wag mong kakalimutan yung sinabi ko."

Napakunot-noo ako.

"S-sige po!"

Pagkatapos ay nagpaalam na si Lolo.

Pagdating namin sa classroom, pansin kong wala si Spence.

"Anyare?", tanong ni Jamie.

"H-huh?"

" Lolo mo ba yung kausap mo kanina?"

"O-oo!"

Natahimik ako habang si Jamie, hinihintay kung may sasabihin pa ako. Napatingin ako sa kaniya at nag-isip ako kung sasabihin ko ba.

.

.

Sige na nga!

.

.

.

Pero baka di niya ma-gets dahil hindi naman niya alam yung nangyari sakin nung isang gabi.

Pero kailangan ko kasi talaga ng mapagsasabihan eh!

"Hindi ko ma-gets si Lolo!"

Tinignan ako ni Jamie na halatang interesado sa sinabi ko.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Parang kanina, nasa state of panic siya eh. Sa tono niya parang worried siya. Pinag-iingat nga niya ako eh!"

"Talaga? Parang ikaw pala si Lolo mo eh!"

"Huh?.....", pagtataka ko

"...anong ibig mong sabihin?"

"Pareho kayo ng lolo mong nakakapanibago. Hindi ka nagpizza tapos hindi ka nagsulat. Siya naman ibang level magworry"

Tinignan ko siyang mabuti. Yung ramdam niyang hindi ako natuwa sa sinabi niya. Binabalik pa kasi niya yung bagay na yun

"Peace friend", agad niyang sambit.

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon