Chapter 7 - Final Riddle

820 33 4
                                    

(Spence's PoV)

"Sa ngayon mukhang umaayon pa rin sa inyo ang tadhana. Maaaring kinakaya mo pa sa ngayon ang puzzle. Pero sa susunod na tanong sisiguraduhin kong pipiliin mo na kung sino ang dapat mong iligtas!"

Kahit papano, nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Ibig sabihin kasi, tama ang sagot ko.

Ngunit panandalian lamang yun dahil alam kong mas mahirap na naman ang ibibigay niya.

"at siyempre hindi ko hahayaang kayo ang magwagi sa larong ito!"

Sinenyasan niya ang mga kasama niya. Hinawakan nila ang magkabila kong braso.

"Ano'ng ibig sabihin nito?", pagtataka ko. Sinusubukan kong magpumiglas ngunit masyado silang mahigpit.

"See for yourself!", sambit ng kidnapper habang papalapit sakin.

Nang makalapit siya. Binigyan niya ulit ako ng isang suntok sa tiyan.

Nanginig ang katawan ko sa kirot lalo't kagaya kanina, yung bahaging nasaksak ang tinamaan niya.

Napaluhod ako habang tinitiis ang kirot na aking nararamdaman.

Napakuyom ako ng kamay upang humugot ng lakas para tiisin ang kirot.

.

.

.

Sinubukan kong tumayo ngunit hindi kaya ng aking katawan.

"Pagkatapos kong basahin ang riddle, dun lang magsisimula ang oras. Gaya ng mga nauna, meron ka lamang limang minuto para sagutin ang puzzle!", paliwanag niya na tila nag-e-enjoy siya sa nangyari.

Binigyan ko siya ng matalim ng tingin. Pag ako nagkaroon ng pagkakataon babasagin ko talaga ang bungo nito.

"At eto na nga. Multiple choice para mapili mo na rin kung sino ang dapat mong iligtas."

Inulit niya na ang option. Option A si Marcus, option B si Sherry at option C si Irish.

"Let me start!"

Napaka-sarap unahing basagin ang bibig niya eh. Kahit isang suntok lang.

" Jack is looking at Anne, but Anne is looking at George. Jack is married, but George is not. Is a married person looking at an unmarried person?

A) Yes
B) No
C) Cannot be determined"

Napalunok ako nung basahin niya ang riddle.

Ganito!

Ganito yung mga tanong na nakakahina.

Mas gusto ko na lang yung mga mystery question kesa yung ganitong logic that really takes deeper analysis.

At sa sitwasyon ko ngayon na nadidistract ako sa pag-iisip dahil sa panghihina ng katawan ko, medyo napanghihinaan ako ng loob na masasagot ko ito ng tama.

.

.

.

Ngunit kailangan kong lakasan ang loob ko.

Pinagmasdaan ko ang aking mga kaibigan.

.

.

Pagkatapos ay ipinikit ko ang aking mga mata upang mag-concentrate.

.

.

Sinubukan kong alalahanin ang tanong.

.

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon