Chapter 4 - Spence's Call

1.9K 67 6
                                    

(Irish's PoV)

"Alam mo apo, sobrang na-miss kong tumira sa bahay na 'to nang kasama ka."

Andito kami ngayon ni Lolo sa hapagkainan sa bahay. Kasalukuyan kami ngayong naghahapunan.

Ilang araw na rin ang lumipas nung lumabas ako ng ospital. Sobrang na-miss ko rin ang bahay na 'to.

"Sobrang nag-alala ako sa'yo nung mabalitaan ko yung nangyari. Sa sobrang galit ko nga nun, talagang naibunton ko ang galit ko kay Spence"

..

..

..

"Eh ikaw naman kasi, masyado kang nagpapaka-bayani. Oo inaamin ko, matapang ang ginawa mo. Pero wag mo nang uulitin yun. Ayoko nang mapahamak ka ulit!"

..

..

..

"Hoy Irish! Nakikinig ka ba? Kanina pa ako salita ng salita dito ah. Wala ka man lang reaksyon. Ba't ba nakatunganga ka lang diyan na parang lumilipad yang utak mo?"

Bigla akong natauhan nang medyo tumaas ang boses ni Lolo.

"Ah...eh..uhmmm..Lo! S-siyempre uhmm...kasi...diba...ano kasi ulit sinasabi niyo?", tanong ko habang pilit tinatago ang ngiti sa aking mga labi.

Tinignan niya ako nang may pagdududa..

"Alam mo apo, kung wala lang akong tiwala sa mga doktor, iisipin ko utak talaga ang tinamaan sa'yo!"

Hindi po utak kundi puso!

"Ba't ka nakangiti diyan?", muli niyang tanong

Inalog ko ang utak ko.

Hindi ako makapaniwalang nasasabi ko ang mga ganitong bagay sa isip ko.

Napasubo ako ng kanin..

"Alam mo apo, ang weird mo!"

Uminom ng tubig si Lolo. Pagkatapos ay tumayo na sa hapag dahil tapos na siyang kumain

"Bilisan mong kumain diyan!", sambit ni Lolo at tuluyan na siyang naglakad papuntang sala

Ako naman...naiwan lang..

Hindi talaga ako naaapektuhan sa mga sinasabi ni Lolo ngayon. Eh pano yung utak ko, iba ang iniisip. Sinusubukan ko namang pigilan ang utak ko kakaisip sa kaniya eh pero wala talaga...and then I just end up smiling..

Gusto niyong malaman why I behave that way readers???

Ganito kasi yun...

(*Flashback*)

Nasa kwarto ako nagpapahinga. Yun yung araw na umuwi kami galing ospital.

*riiiiing!

Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang biglang tumunog ang phone ko. Epekto yata nung pagsalo ko ng bala.

Nang makita ko kung sino yung tumatawag, napalitan ang aking gulat sa.....excitement!

"Hello Spence...n-napatawag ka!"

"Uhmmmm...o-oo..uhmmm I..."

"Bakit?"

"K-kumusta ka na?"

"Ok naman! Nagpapahinga lang ako!"

"Mabuti naman kung ganoon"

..

..

..

..

..

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now