Chapter 2 - That Guy

2.4K 74 6
                                    

(Irish's PoV)

Hindi ako makapag-focus sa prelim test namin sa World Literature dahil sa nalaman ko tungkol kay Spence.

Isa ang nakumpirma ko ngayong araw na ito. Wala si Spence dahil siya ay na-kidnap!

"Ms. Alvarez, are you done? Ikaw na lang ang hinihintay!"

Napalingon ako sa teacher namin and then napansin kong ako na lang pala ang hindi tapos!

"M-malapit na po ma'am!", sagot ko nang nakakunot noo.

"I'll give you 5 minutes"

Out of 50 items, number 32 pa lang ako!

Sinubukan kong mag-focus sa test paper ko

"Who is this daughter of titan Atlas who was imprisoned in the island Ogygia?"

Ah alam ko 'to! Si Calypso.

Nakakaawa kaya siya..she's imprisoned tapos isa sa mga punishment niya, may mapapadpad na hero na pogi at gusto man niya o hindi, maiinlove siya pero yung hero na yun, nakatadhanang umalis sa island at iwanan si Calypso! Ang hard ng punishment.

Anyway back to the exam...next question!

"What is the Greek counterpart of Hercules?"

Hmmm..ano na kasi yun?? Hmmm...

Hmmm...

At napapalo na lang ako bigla sa noo ko! Hay naku...nadidistract ako!

Next question na lang muna..

"Who is this guy who fell in love with his own reflection as a punishment of a goddess?"

Narcissus!

"Who wrote Illiad?"

"Time's up! Pass your paper"

Napabuntong hininga ako...no choice. I need to pass my paper..

At dahil dito, mas lalo kong naalala si Spence. Pag nahihirapan ako sa mga exams lalo na sa Math, tinutulungan niya ako. Ang ginagawa niya, hindi niya nilalagyan ng name yung test paper niya tapos sinasagutan niya agad. Pag napansin niyang hindi ko alam, kukunin niya yung blank test paper ko at ibibigay yung sa kaniya at ang labas nun, yung binigay niya, yun ang magiging exam ko. Kailangan ko lang lagyan ng pangalan.

Hay...nakaka-miss din pala ang lokong yun!

Ipinasa ko kay ma'am yung test paper and then agad niya kaming dinismiss

Hay buti naman at uwian na nang mapuntahan ko na ang mama ni Spence.

"Anyare? Ba't ang tagal mong nag-exam?", tanong ni Jamie

"H-huh? Uhmm..a-ang hirap kasi!", sagot ko

Tinignan niya ako ng matagal na tila ba nagdududa sa sinabi ko. Pagkatapos ay niyaya na niya akong umuwi!

Habang naglalakad ako pauwi, sinusubukan ko pa ring i-contact si Spence baka sakaling sagutin niya this time kaso wala eh! Kahit mag-ring man lang sana

Dumiretso ako sa bahay nina tita!

Nagdoorbell ako ng dalawang beses.

Ilang segundo lang ay lumabas na si tita.

"Hi tita!", agad kong bati sa kaniya

"Hi pretty..napadalaw ka?", takang-takang tanong ni Tita

"Opo!"

"Pasok ka!", pag-aalok niya

"Hindi na po tita..uhmm sa katunayan andito lang naman ako para tanungin kung ano'ng balita niyo kay Spence?"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now