Chapter 2 - The Unexpected

2.5K 112 5
                                    

(Spence's PoV)

Andito ako ngayon sa terrace ng aking kwarto, nakatayo habang pinagmamasdan ang invitation at nag-iisip kung pupunta ako o hindi.

Kung pupunta ako, wala naman akong kilala do'n! Mabo-bored lang ako. Pero hindi ko pwedeng suwayin si Papa. Ang laki pa man din ng tiwala niya sa'kin! Tsk!

I really don't know what to do. Matawagan nga si Irish!

"Hello I?"

"Bakit?"

"Kumusta?"

"Asus! May itatanong ka lang eh! Ano ba 'yun?"

Bakit ba kabisadong-kabisado ako ng babaeng 'to? Anyway, mahilig ito sa party kaya for sure hinding-hindi niya ako matatanggihan!

"Uhmmm, may lakad ako mamayang gabi! Baka gusto mong sumama?"

"Lakad? Hmmm, lakad din ako eh! At dahil wala akong tiwala sa mga lakad mo, for sure kasi mga lakad mo boring, mas pipiliin ko ang pupuntahan ko!"

Kailangan ba talagang sabihin pa niyang boring ang lakad ko? Pero sabagay, mismong ako ini-isip ko pa lang 'yung ball, bored na ako!

"Oo na, oo na! Enjoy!" irita kong sagot saka ko ibinaba ang phone. Akala ko makakatulong, manlalait pa pala!

Napabuntong hininga na lang ako. Kung bakit kasi nagbigay pa sila ng invitation! Ako tuloy ang nahihirapan.

I checked my watch. 2:00 pm na. Undecided pa rin ako!

But now I've decided!

Hindi na talaga ako pupunta! I made up my mind. Bahala na si Papa!

Pumasok ako sa kwarto at binuksan ang TV! Saktong balita ang panood.

"Kasalukuyang pinaghahandaang mabuti ng Hotel Park ang magaganap na ball mamaya bilang selebrasyon sa kanilang tatlumpung taong anibersaryo!"

Ipinakita rin sa TV na ini-interview ang president.

"President, ano po'ng klaseng paghahanda ang ginagawa niyo ngayon?"

"Marami! Gusto namin talagang maramdaman ng mga dadalo na sila ay parte ng pamilya ng Hotel Park. 'Yun naman talaga ang goal ng hotel na 'to. To make everyone feel that they are home!"

"Sunod-sunod ang success ng Hotel Park at marami ang nagsasabi na dahil daw 'yun sa galing mo?"

"Hindi naman! Siyempre dahil pa rin 'yan sa mga masisipag at tapat na empleyado. And I'm very much thankful for having them!"

"Marami po ang nagtatanong, inimbita niyo rin po ba ang dating Presidente ng Hotel Park na si Mr. Rod kahit masama ang loob niya sayo?"

Natahimik konti si President bago siya nagsalita.

"Siyempre! Kahit pa-paano naging parte pa rin siya ng success ng hotel."

"May banta po siya dati sa inyo kaya kayo nag-request ng TRO. Hindi po ba kayo natatakot?"

"Sa ngayon hindi ko na iniisip 'yang bagay na 'yan! Tsaka, we make sure that we are safe tonight!"

Bigla akong napa-isip sa statement niya.

T-teka! K-kaya pala! Ngayon naiintindihan ko na.

Pinatay ko ang TV and analysed the situation well.

Hmmm!

Kaya pala nila inimbita si Papa. Kaya din niya ako pinapa-punta. Maaaring alam niya ang tungkol sa dating Presidente. Kung ganoon, kailangan kong pumunta!

Napangiti ako at naalala ko rin si Irish!

Ngayon, maghahanda na ako para sa party.

______

(Spence's PoV)

Nagpunta ako sa kaibigan ni Mama, si Tita Sunny. Meron kasi siyang salon at suki ako do'n kasi may discount.

"Spence!"

'Yan ang bungad ni Tita sa 'kin nang makita ako. Sakto namang tapos na niya ang pagmi-make over niya sa kaniyang customer na babae.

"Hi tita," naka-ngiti kong sagot sa kaniya.

"May pupuntahan kasi akong ball mamaya tita. And I need to prepare myself!"

"Oh really!?" gulat pero excited na tanong ni tita.

"Yes tita! That's why I need your help!"

"Oh sure! I know your style. Ako'ng bahala!"

At tunay ngang may tiwala ako kay Tita. Babae siya pero may taste siya sa pormang panlalaki.

"And a suit if you have one tita."

"Sure!"

At sinimulan na nga niya.

(Irish's PoV)

"Irish, baba ka na mali-late na tayo!"

Isinuot ko ang earrings ko at bumaba na agad ako no'ng marinig ko ang boses ni Lolo. We're now going to the ball. May nag-invite sa 'min and because it's a party, excited ako. Ball 'yun so baka do'n na ako makahanap ng Prince Charming ko!

Sumakay ako sa kotse at pinaandar na ni Lolo.

We're on our way!

Oh yes! Isang prestigious Hotel ang pu-puntahan namin. So excited! Isa rin talagang advantage ang pagiging inspector ni Lolo. Bigla na lang siyang iimbitahin ng mga sikat na personalidad.

After 30 minutes!

"Yehey! Andito na tayo!" excited kong sambit. Natuwa naman si Lolo sa reaksyon ko dahil para akong batang first time makakita ng hotel. Sobrang excited kasi ako eh!

Napatingin ako sa aking relo. 6:30 pm. Magsisimula ang ball ng 7 o'clock!

Bumaba kami ni Lolo. Saktong nakakita ako ng mga bisita rin na mga kababaihan. Napatingin ako sa mga suot nila! Pagkatapos ay tinignan ko rin ang suot kong dress na kulay yellow. Hindi naman nahuhuli ang suot ko sa kanila.

Kaso ba't gano'n? Kung kailan pa-pasok na kami, bigla naman na akong kinabahan!

Huminga ako ng malalim. Ok lang 'yan Irish! Kaya mo 'yan!

Humakbang kami ni Lolo para pumila nang biglang may lalaking nagmadaling pumila at nabangga niya ako. Buti na lang hindi gano'n kalakas!

"Sorry miss sor--"

Napatigil siya nang makita ako! At ako naman, nanlaki ang mata ko nang makita ko 'yung naka-bangga sa 'kin.

"S-Spence????"

O_O

"Irish! Nauna ka palang dumating!" sabay ngiti niya sa 'kin.

Teka, in-expect ba niya ako? Ba't parang hindi siya nagulat? Napatingin ako kay Lolo. Nakangiti siya kay Spence na tila ba in-expect rin niya ito. Ba't parang ako lang ang nagulat dito!

"D-dito rin 'yung party na pu-puntahan mo no'ng tumawag ka?"

"Oo. At first I thought hindi dito ang pupuntahan mo kaya yayayain sana kita but when I heard the news, I came to the conclusion na dito ka rin pupunta!"

"So we arrived at the same conclusion."

Bigla namang sumagot si Lolo. Okay, spell out of place!

"Pero hindi mo man lang ako sinabihan nang hindi naman ako nagugulat!"

"Hindi mo pa naman ikinamatay ang gulat mo kaya ok lang."

Pagkatapos ay nagtungo na siya sa may pinto para pumasok!

May sasabihin pa ako umalis na agad! Sasabihin ko sanang...

He looks gorgeous!
.

.

.

Sige wag na nga lang!!!

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now