Chapter 6 - Test Result

2.6K 105 8
                                    

(Author's PoV)

Sa kabilang hall kung saan naroon lahat ng guest maging ang mga chef, mga organiser, at waiter ay nagkakagulo na. Marami na ang gustong umuwi, marami na'ng gustong umalis pero ayaw silang payagan ng mga pulis. Maging si Irish naroon pero dahil naiintindihan niyang kailangan ang pag-stay nila dun para sa pag-solve sa poisoning case ni Mr. Rod, tinitiis na lang niya. Nakikipag-chat na lang siya kay Jamie..

Samantala, sa kabilang dako naman, nagkukumpulan ang mga grupo na in-charge sa kitchen kasali na roon ang mga Waiter. At lahat sila, nag-aalala sa nangyari..

"Kung poisoning yun, hindi na ako magtataka kung ipapatawag tayong lahat at ibilang sa mga suspect."

Isang waiter ang nagsabi nun at naiinis sa nangyari..

"Siguradong tayo ang ipapatawag ng mga investigators. Tayo ang nasa kitchen eh..tayo ang in-charge sa foods!", malumgkot na sambit ni Madeline, isa rin sa mga chef..

"Ano ba kayo? Kung talagang wala naman kayong kinalaman, ba't kayo mag-aalala?", sabat naman ng confident na si Edward.

"Oo nga tama!"

Sumang-ayon naman ang kanilang mga kasama...

(Spence's PoV)

Nandito kami ngayon sa isang Private room kasama ang mga detective at inspectors. Bale nandito sina Inspector Jorge at Alvarez, may tatlong detectives ding kasama na sina Gilbert, Tor, at Herald. Nag-mee-meeting kami ngayon tungkol sa poisoning na nangyari..

Tumayo sa harap namin si Inspector Jorge upang pangunahan ang meeting.

"Ok..malinaw sa ating lahat-"

"Sandali,,pwede bang..magpray muna tayo?" - Spence

Napatingin silang lahat nang may pagtataka..

And for sure even kayo readers nagtataka kung bakit bigla kong naisipang magpray? Natutunan ko kay Papa..

Habang busy kasi si Author sa pagsasalaysay sa kaganapan sa kabilang hall, kausap ko ulit si Papa dahil pagkatapos niya akong babaan, pagkaraan ng ilang segundo, tumawag siya ulit..at heto ang eksena..

(Super Flashback)

Pagkababa ni Papa ng phone niya, bumalik ako sa pag-iisip sa nangyari kay Mr. Rod na sinasabing isang poisoning!

Riiiing

"Oh..Pa napatawag ka ulit?"

"I just called you to share something...",agad na sabi ni Papa

"....sigurado akong hindi ganun kadali ang investigation diyan. Isa sa mga pinakamahirap i-solve na kaso ay ang food poisoning na nangyari sa isang social party!", pagpapatuloy ni Papa..

"So sinasabi mo ba Pa na uuwi ka para tulungan kami dito?", medyo nag-aalangan kong tanong sa kaniya. Alam ko kasing imposible.

"Nope!"

See...imposible nga talaga!

"so ano?"

"Hindi ako makakapunta diyan dahil may kaso din akong iniimbestigahan. Alam mo naman sa Pilipinas, mataas ang crime rate kaya hindi nakakapagtakang busy ang mga investigators.."

"So, what can you do to help us here?"

"I wanna share my secret, why I'm always led to solve the mystery"

Napaisip ako..so may secret siya?

"So ano?"

"Prayer! Before I start investigating, I pray for God's help and guidance"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now