Chapter 8 - Spence's News

2K 115 7
                                    

(Irish's PoV)

Papasok na dapat si Lolo sa bahay nang pigilan ko siya..

"Lo sandali!"

"Bakit apo?"

"K-kasi...."

Ang totoo, hindi ako sure sa sasabihin ko.

Tinignan ako ni Lolo na naghihintay sa sasabihin ko..

"Uhmmm..Lo kasi parang.."

Napaisip akong konti..

"Hintayin muna kaya natin ang balita ni Spence tungkol sa pag-iimbestiga niya dun sa Taxi Driver. Diba sabi niya, alam na niya?"

"Alam na rin naman natin!"

"Kasi ano eh...Lo, pano kung-----"

"Inspector Alvarez!", sambit ng isang boses ng babae.

Hindi ko tuloy naituloy ang sasabihin ko.

Ang nagsalita ay si Aling Tere!

Siguro nagtataka rin siya kung bakit andun kami sa harap ng bahay nila!

"Ano po'ng maitutulong ko sa inyo? Tila may kailangan kayo?", tanong niya na medyo nagdududa..

Ngumiti sa kaniya si Lolo!

"Gusto lang naming t-tanungin kung sino yung bata diyan sa bahay niyo! Kasi...diba wala namang bata diyan dati?"

Napansin kong biglang nagsalubong ang kilay ni Aling Tere.

"Bakit? Masama bang magkaroon ng bata dito? Ano? Pinagsususpetsahan niyo ako na ako ang kumuha sa apo mo?"

"Hindi...hindi ganun ang ibig naming sabihin. Nagtaka lang kami!"

"Kahit ano'ng idahilan niyo, yun din ang labas nun! Nagmagandang loob na nga akong ikwento ang aking mga nakita tapos nagdududa pa rin kayo samin? Nandadamay pa kayo sa kapabayaan niyo. Lalo ka na Irish! Pinabayaan mo ang pinsan mong napakabata tapos ngayon, nandito kayo, dinadamay niyo akong kumuha sa bata!"

"Huminahon ka! Bilang imbestigador, kailangan din kasi talaga naming tinignan lahat ng anggulo ng mga pangyayari!"

Masama pa rin ang tingin ni Aling Tere.

Ako? Hindi nakaimik! Masyado lang akong nasaktan sa sinabi niya though alam kong totoo naman. Kapabayaan ang tawag dito. Pinabayaan ko si Baby Ken. Tuloy, andaming naperwisyo! Si Lolo, si Spence, at lalong-lalo na si Aling Tere.

Hindi ko na mapigilan, naiiyak na talaga ako!

Napapakagat na rin ako ng labi para pigilan ang luha ko.

"L-Lo, p-pasok lang ako sa bahay!"

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Naglakad na ako agad pabalik sa bahay at agad tumulo ang luha ko.

Ang huli kong narinig sa usapan nila ay ang linya ni Aling Tere..

"Sige, para patunayan sayong wala akong alam diyan, pumasok ka, nang makita mong mabuti!"

Pagpasok ko sa gate, pinunas ko ang aking luha. Halos hindi ko na rin makita ang daan dahil sa pag-iyak ko.

Pabaya ka kasi!

Pinabayaan mo si baby Ken!

Yan ang mga salitang paulit-ulit sa aking isipan.

Totoo naman kasi! Pinabayaan ko si Baby. Dahil sakin napahamak siya.

Sobrang nako-konsensya ako sa nangyari!

Kasalanan ko.

Hindi ko na pinigilan ang aking pag-iyak..hinyaan ko na lang na tumulo ang aking mga luha.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now