Chapter 15 - Going

847 35 0
                                    

(Irish's PoV)

Papunta ako ng classroom namin nang harangan ako ni Sherry.

Nginitian niya ako ngunit alam kong pilit yun. Kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Sherry!", sambit ko

"Irish, hihingi sana ako sa'yo ng favor!"

"Ano yun?"

Medyo matagal bago niya sabihin.

May sinabi siyang address.

"Mamaya, 4 pm. Pwede ba kayong pumunta ni Spence?"

"Kami? A-ano'ng meron dun?"

"Malalaman niyo pagpunta niyo"

Napakunot-noo ako.

"Pwede mo bang sabihin ngayon?"

"Pasensya na Irish pero dun niyo lang kasi pwedeng malaman eh!"

Hindi naman kami close ni Sherry pero sa nakikita ko ngayon ay tila nagmamakaawa siyang pumunta kami. Bakit?

"Please Irish, give me assurance na nandun kayo mamaya. Kayo ni Spence"

"Pero kasi Sher-----"

"I know we're not close. Pero please, nagmamakaawa ako, pagkatiwalaan mo ako kahit ngayon lang. Pagdating mo dun, at nakita mong hindi talaga ako dapat pagkatiwalaan, gawin mo kung ano'ng gusto mong gawin sakin!", halos naiiyak niyang sambit.

"Sherry bakit......bakit ganyan ka ngayon?"

Pinilit niyang muli ang ngumiti

"Malalaman mo mamaya. 4 pm, sa sinasabi kong lugar!"

Napabuntong-hininga ako.

"Please!"

Pinagmasdan ko siya. Hindi talaga kami close. Iniisip ko pa rin kung dapat ko siyang pagkatiwalaan.

...

...

...

Hindi naman siguro masama kung magtitiwala ako sa kaniya. Hindi kami close pero never pa naman niya akong ipinahamak.

Hinihintay niya ang sagot ko.

"Sige...g-gagawin ko ang lahat para maisama ko si Spence"

"Talaga?", tuwang-tuwa siya

Tumango ako

Bigla niya akong niyakap sa sobrang tuwa.

"Kung ganun...hihintayin ko kayo dun!"

"See you!", sambit niya saka siya nagpaalam.

Pagkaalis na pagkaalis niya, napahinga ako ng malalim.

Hindi talaga ako sigurado kung tama ba yung desisyon ko na pumayag kay Sherry kahit hindi ko alam kung bakit niya kami pinapapunta roon.

"Bahala na! Alam ko, mabuting tao si Sherry."

Muli, naglakad ako papunta sa aming classroom.

------
(Sherry's PoV)

Pagkaalis na pagkaalis ko, tinawagan ko agad si Suzanne. Oo, magkakilala kami. Bagay na hindi alam nina Irish.

Ilang RING lamang ay nasagot na agad ito ni Suzanne

"Suzanne!", yan ang una kong sinabi

"How's the plan?"

"Everything is set!"

Pinilit kong maging cheerful.

"Sherry, thank you!", sambit niya ng buong puso.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now