Chapter 10 - Enemy

2.3K 80 0
                                    

(Sherry's PoV)

"Sorry Ms. Hindi ka pwedeng pumasok. Wala kang ID"

I rolled my eyes!

Ang higpit talaga!

"Uhmmm...hindi ko po kasi alam kung nasaan. I think nahulog ko sa loob so I need to go inside para hanapin yun!"

"Sus...palusot ka lang eh! Ang sabihin mo Ms. Naiwan mo kaso pinapalabas mo lang na nahulog mo."

"Ano?"

Nakakainis tong guard na to. Ginawa pa akong sinungaling..

"Nawawala nga. Kahit icheck mo pa yung bahay namin!", naiinis kong sagot

"I'm sorry Ms. Kung nawala ang id mo, kasalanan mo yan!"

"Oo na. Kasalanan ko. So pwede mo na akong papasukin?"

"Basic rule, no ID, no ENTRY!"

In the midst of arguments, biglang may nagsalita sa likuran ko...

"Tama ka diyan!", agree naman ni manong guard.

Tinignan ko kung sino yung may malakas ang loob na makialam and wait...he looks familiar.

Inisip kong mabuti kung saan ko siya naencounter!

Hmmm...

....

...

Ah alam ko na! Siya yung guy sa rooftop! Siya rin yung guy na sinasabing detective, yung palpak ang deduction na walang maipakitang evidence...buti na lang nirescue siya ni Spence My Love!

Siya rin yung guy na hindi ko gusto ang aura!

Inirapan ko lang siya at hindi pinansin. Akala niya kung sino. Imbes na tumulong sa kapwa estudyante mas kinakampihan pa ang guard...

"Ikaw...may ID ka?", tanong ni guard sa kaniya at agad niyang pinakita ang kaniyang ID.

Tuluyan na nga siyang nakapasok samantalang ako...nasa labas umaasang papapasukin ni manong.

"Ahemmmm....", pagsisimula ko!

"Uhmmm..k-kuya baka pwede mo naman akong pagbigyan! P-pasukin mo naman ako please..m-may quiz pa kasi kami sa Science eh! Sige na...", pagmamakaawa ko sa kaniya...

"Sorry Ms. Sumusunod lang ako sa order!"

Buti sana kung sa order na yan...tumaas ang grade ko!

"Uhmmm...k-kuya...alam mo ba..."

I've decided to act like I'm about to cry..

"Mahirap lang kami (*sob)..kailangan kong makapasa sa mga subject ko..(*sob) gusto ko kasing maiahon sa hirap ang pamilya ko! (*sob) pag di ako nakapag-exam ngayon ....bagsak na ako!"

"Ms...alam kong peke lang yang iyak mo...anak ka kaya ng Vice Governor!"

Bigla akong napatigil at tinignan si kuya ng naiinis..

"Grabe ka naman! Wala ka man lang patawad. Isusumbong kita sa daddy ko!"

"Isumbong mo. Isusumbong kita sa tito ko. Siya yung governor!"

"Weh?"

Binasa ko yung nasa nameplate niya. Ka-apelyido nga niya si Gov.

"Uhmmm..tutal politician naman pala ang mga kamag-anak natin..ba't di na lang tayo magkampihan!"

"Ok magkampihan tayo. Sumunod ka sa gusto ko. Ang gusto ko sundin mo ang rule.", at tinignan ako ni manong guard nang naiinis!

Kung naiinis siya...mas naiinis ako!

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now