Chapter 5 - Secret

842 30 4
                                    

(Spence's PoV)

Dinala ako ni inspector, medyo malayo sa desk.

"Ang mga goons....sana ginawa mo ang lahat para mahuli sila!", pagsisimula niya

"P-pasensya na inspector kung hindi ko sila nahuli!"

"Sa susunod, sisiguraduhin kong hindi na sila makakapag-piyansa. At sisiguruhin kong mas mabigat ang kaso nila"

"I-inspector, pwede bang magtanong?"

Tinignan lang niya ako

"Bakit po parang.....parang sobrang lapit ng kaso nila sa'yo?"

Tinignan niya ako. Tila pinag-aaralan niya ako

"Hindi ko dapat sasabihin to pero since na-encounter mo na sila at nagbabakasakali akong makakatulong ka, lalabagin ko na ang request ni Irish!"

"R-request?"

Hinanda ko ang sarili ko sa pakikinig.

"Sila yung dahilan kung bakit hindi maganda ang pakiki-tungo ni Irish sa'yo"

"Po?"

"Nung iniwan mo siya, sila ang naka-engkwentro niya!"

Halos matulala ako sa sinabi ni inspector.

At itinuloy niya ang kaniyang sinasabi.

Kinwento ni inspector ang mga naganap base sa kwento ni Irish hanggang sa dumating siya upang i-rescue ang apo.

Hindi ako makapag-react ng maayos sa narinig ko. Gusto ko na lang maglaho. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanilang lahat. Pakiramdam ko, napaka-bobo ko na hindi ko naisip na sa pag-iwan ko sa kaniya, posibleng may mangyari ding masama sa kaniya.

Kaya pala! Kaya pala ang lalim ng pinaghuhugutan niya.

Naalala ko rin nung ma-wrong call si Irish. Kaya pala ganun ang mga katagang binitiwan niya.

"Sabi ni Irish, ginawa daw nila yun bilang pag-ganti sa pagtatanggol niya noon kay Suzanne."

So biktima din si Suzanne

"Kaya kung nagawa siyang gantihan, pwede nilang ulitin yun. At yun ang kinakatakot kong mangyari kay Irish!"

Tama yung hinala ko. Kaya pala dun ako pinapunta ni Marcus.

Now that I know the reason, I can say na kulang na kulang yung suntok ni Marcus bilang kabayaran sa pagpapabaya kay Irish.

"Inspector, inaamin ko pong kasalanan ko!", sambit ko habang naka-yuko. Hindi ko matignan si inspector sa sobrang kahihiyan.

"TALAGANG KASALANAN MO!"

Hindi na na-control ni inspector ang sarili niya. Kwinelyuhan niya ako.

Hindi ko siya masisisi. Tanggap ko ito. I believe I deserve it.

"PINAGKATIWALAAN KITA! AKALA KO MAPO-PROTEKTAHAN MO ANG APO KO TAPOS BIGLANG MALALAMAN KONG IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT SIYA NAPAHAMAK!!!"

Hindi ako umimik. Hinintay ko lang ang mga mangyayari. Tatanggapin ko kung anuman ang gagawin niya.

Binigyan niya ako ng isang suntok. Napaupo ako sa sobrang lakas. Pareho sa sinuntok ni Marcus.

Agad namang dumating ang mga pulis para pakalmahin siya.

"Spence!", pag-aalala ni Maia at tinulungan niya akong tumayo.

"Ok lang ako!", paniniguro ko sa kaniya sabay punas sa labi ko

"NAGKAMALI AKO SA'YO!", pahabol ni Inspector. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kaniya saka siya umalis.

"Umalis na tayo dito!", sambit ni Maia.

CLUE DETECTIVEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora