Chapter 6 - Crack the Code

867 30 3
                                    

(Spence's PoV)

Pinagpatuloy ko lang ang pag-analyze.

Dahil hindi pwedeng magkapareho yung kulay ng badge nila sa pangalan nila bilang agent, we can conclude that Agent Red can't have a green badge and red badge. Kung ganun, yellow badge ang sa kaniya.

Ngayong alam ko na ang kulay ng badge ni Agent Red, kung ganun, madali na lang malalaman kung anong badge ang hawak nung ibang agents.

I confidently voiced out my answer.

"Agent Red owns the yellow badge. Agent Green owns the red badge. Lastly, Agent Yellow possesses the said green badge"

"How so?"

"The clue there was that the agents can't possess the same color as their names"

Tinignan niya ako ng matagal na parang anytime...lalamunin niya ako!

"Tignan natin kung masasagot mo 'tong isa! Sinisiguro ko sa'yo na mahihirapan ka", pananakot niya

Agad niyang ibinato ang huling papel na naka-roll.

Pinagmasdan ko ang aking mga kaibigan.

Si Marcus, nakatingin pa rin siya plainly pero halatang hindi siya natutuwa sa sitwasyon niya ngayon. Si Sherry, malalakas ang kaniyang paghinga. Indication na kinakabahan siya. Si Irish, ang mga mata niya ay nangungusap na tila pinapalakas niya ang loob.

Dahil dun, mas naging determinado akong masagot ng tama ang riddles.

Pinulot ko ito.

I unrolled it then started reading it!

Can you crack the 3-digit unlock code for the lock in a correct position  using the 5 clues below?

Yan ang unang nakasulat. Nagpatuloy pa ako sa pagbabasa.

Clue #1: 682 – One number is correct and well placed

Clue #2: 614 – One number is correct but wrongly placed

Clue #3: 206 – Two numbers are correct but both are wrongly placed

Clue #4: 738 – None of the numbers are correct

Clue #5: 780 – One number is correct but wrongly placed

Nang mabasa ko ito, napatingin ako sa kidnapper. Nakita ko kung gaano siya ka-kumpiyansang hindi ko makukuha ang tamang sagot nito.

At inaamin ko na mas mahirap nga ang riddle na 'to. At hindi ako sigurado kung makukuha ko ang tamang sagot lalo't limang minuto lang ang binigay upang sagutin ito.

Ngunit sinubukan ko pa rin itong i-analyse.

Napahinga ako ng malalim.

I need to focus!

Kailangan kong isa-isahin. Sana malaman ko yung code bago maubos ang oras.

Nag-umpisa ako sa unang clue!

Clue #1: 682 – One number is correct and well placed

.

.

So either 6, 8, or 2 ang isa sa mga tamang numero.

Sa Clue number two.

Clue #2: 614 – One number is correct but wrongly placed

Napabalik ako sa una kung mabasa ko ito.

Kung yan ang sinasaad sa pangalawang clue, kung ganun it is wise to eliminate number 6.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now