Mystery Case #1: The Sportsfest Murder Case

17.6K 380 41
                                    

Prologue:

(Spencer's PoV)

"Dito ka pumwesto!"

Naiwan kami ni Papa sa may pintuan ng restaurant. Itinuturo niya sa 'kin kung ano ang dapat kong gawin. Na-solve na daw kasi niya ang murder case kaya pinaghahandaan niyang mabuti ang mga pwedeng mangyari.

'Yan ang aking tanyag na detective at Papa, si Detective Benjamin, Benj for short, nasa edad 40 na at abalang-abala sa mga kaso. Marami na siyang na-solve na kaso dahil sa pagiging detective niya. Sa sobrang husay niya, minsan ini-imbita rin siya sa ibang bansa para lumutas ng kaso.

Lagi siyang naka-suot ng leather jacket at laging naka-sombrero ng parang kay Rizal. Ewan ko ba at gano'n ang porma niya. Buti na lang di ko namana pagiging old fashion niya.

Anyway, nagtataka ba kayo kung bakit magkasama kami ni Papa? Dahil ako ang assistant niya. Hindi ako detective tulad niya pero sumasama ako 'pag may mga kaso siyang nilulutas kaya medyo alam ko rin ang mga paraan sa pag-lutas ng kaso. 'Yun nga lang, hindi ganoon kahusay tulad ni Papa. Sabi niya iti-train daw niya akong mabuti pag hindi siya busy kaso sa sobrang dami ng kaso sa mundo, mukhang hindi na mangyayari ang time na 'yon. Sa katunayan, pagkatapos ng kasong ito, pupunta siyang Boston para sa isang client.

"Oh anak, na-intindihan mo ba ang mga sinabi ko?"

"Opo Pa!"

Inabot niya sa'kin ang handcuff saka siya bumalik sa loob para lapitan si Inspector Alvarez, ang Lolo ng.....uhhhmmmmmm.......KAIBIGAN KO.

Si Inspector Alvarez ay hindi lang basta Inspector. Kaibigan din siya ni Papa. Nasa edad 60 na siya pero malakas pa rin siya at walang sinasanto. Hinding-hindi mo siya masusuhulan dahil tapat siya sa kaniyang tungkulin. Sisiguraduhin niyang batas ang mananaig.

Nakita ko ang pag-uusap nila. Mayamaya pa'y inutusan ni Inspector ang isang imbestigador. Pagkatapos ng ilang minuto, bumalik ang inutusan ni Inspector, kasama ang mga suspek at ilang empleyado sa restaurant. Dahil do'n, pumwesto ako sa kung saan ako dapat pumwesto. Gawa sa salamin ang restaurant kaya nakikita ko pa rin sila.

"Mabuti naman at nandito na kayong lahat dahil kanina ko pa gustong ibulgar kung sino ang tunay na killer," pagsisimula ni Papa.

Kitang-kita ang pagka-gulat ng lahat lalo na ang tatlong suspek.

"Pero bago ang lahat, gusto ko munang sabihin kung ano nga ba ang naging motibo sa pagpatay kay Ms. Sanchez. Base sa mga nakalap na ebidensya tulad ng matinding sakal sa kaniya at punit na sulat na gawa sa bond paper, malalaman agad na ang dahilan ay misunderstanding."

"Paano naman ito naging misunderstanding? 'Yon ba ang laman ng sulat?" Tanong ng isa sa mga crew ng restaurant.

"Bagamat hindi mababasa ang buong detalye sa nakitang sulat, mapapansin na pinag-agawan ito. Maaaring naglalaman ang sulat ng isang sikreto kaya ito pinag-agawan. Ayun sa forensics, mahigpit ang pagkaka-sakal sa kaniya dahilan upang siya ay mamatay."

"Kung ganoon Detective, sinabi mo na alam mo na kung sino ang pumatay. Sabihin mo na kung sino?" Inip na tanong ni Inspector.

"Oo nga, may appointment pa ako kaya pakibilisan!" sambit ni Mrs. Sy, isa sa mga suspek.

"Ang taong pumatay ay ikaw..."

Itinuro ni Papa ang culprit.

"Ha?"

"Huh?"

"T-totoo ba yan?"

Iba-iba ang reaksyon ng mga nandoon no'ng ituro ni Papa si Mr. Dencio, ang 25 yr. old na manager ng restaurant.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now