Chapter 7 - Confirmed

1.9K 71 0
                                    

(Irish's PoV)

At heto na naman ako...

Mag-isa ulit!

Nagtungo ako sa kusina at uminom ng tubig.

Wala akong ibang hiling ngayon kundi ang mahanap na si Baby Ken dahil nag-aalala na talaga ako at iniisip ko rin ang reaksyon ni Tita kapag nalaman niyang napabayaan ko ang anak niya.

Natutulala na rin ako sa mga nangyayari. Naka-stay lang ako sa bahay pero feeling ko pagod na pagod na ako sa mga bagay na nangyayari.

Nakaupo ako ngayon sa kusina habang nag-iisip ng malalim.

-----------

(Spence's PoV)

Tinawagan ko agad si inspector..

"Spence!"

"Inspector, nakuha niyo ba kung saang location naka-base ang taxi sa pagpapasada?"

...

..

And it's a good thing, alam ni inspector kung saan.

"Thank you po inspector!"

Sumakay ako ng taxi papunta sa kung saan naka-base yung sasakyan.

Habang nakasakay roon, dina-download ko ang application na ginagamit ng mga taxi drivers. I wonder kung GrabTaxi lang ang application na ganun. Pero para sure, dinownload ko lahat ng application na pwedeng ginagamit para sa taxi at sinubukan kong lahat yun.

.

.

.

.

.

Sa bawat application, nirerequest ko ang hinahanap naming taxi gamit ang plate number na nakuha namin. Yung ilan sa mga na-download kong application, wala roon.

.

.

.

.

At bigla akong napangiti nung yung huling app na ginamit ko, kinonfirm na pwede.

Bumaba ako sa unloading zone. Doon ko kasi sinabing maghihintay ako.

3 minutes nang dumating ang taxi.

Sumakay ako sa tabi ng driver..

"Uhmm..s-sir s-siguro mas ok kung doon ka na lang sa likod kasi, customer kita."

"Hindi, ok lang!", sagot ko nang nakangiti

Pinili kong umupo sa tabi niya para mas maayos ko siyang makausap.

"Salamat po sir dahil ni-request niyo pa ako na sakyan niyo. Malaki po ang pasalamat ko dahil doble kayod po ako ngayon para sa pamilya ko!", pagsisimula niya.

Napatingin naman ako at hindi umimik.

"San po pala tayo sir?", bigla niyang tanong

"Kung san mo hinatid yung babae kaninang may dalang baby!", bigla siyang napalingon

"K-kasi po sir, bale dalawa po yung naisakay kong may dalang baby!"

Sinabi ko yung location kung saan niya sinakay yung tinutukoy ko.

"K-kasi po nasa rule po namin na bawal naming sabihin yung location ng mga pasahero namin for their safety."

Napakunot ako ng noo!

"Asssistant ako ni inspector Alvarez"

Napansin kong agad na napalingon sakin yung driver na gulat na gulat

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now