Chapter 2 - Threat or Warning?

6K 187 15
                                    

Naka-uwi ako sa bahay ng around 7 pm at nadatnan ko si Mama na kumakain mag-isa.

"Andiyan ka na pala. Kain na!"

Siya si Bianca Quijano 43, isang surgeon sa kilalang ospital dito sa'min.

Umupo ako sa tabi niya saka nag-pray.

"Sakto pala'ng dating ko. Buti na lang nakahabol ako!" Narinig ko ang boses ni Papa.

"Okay lang naman kung hindi ka makakahabol! Sanay naman kami."

"Asus, kunwari ka pa diyan. Ang totoo, binabagalan mo'ng kumain para makasabay ako," sambit ni Papa saka siya naupo.

"In your dreams!"

"Good job anak!"

Napalingon ako sa sinabi ni Papa.

"Ipinagmamalaki talaga kita. Natutuwa ako dahil naintindihan mo ang nais kong sabihin. Curiosity kills the cat!"

Napangisi lang ako kay Papa. Sinisimulan na naman niya.

"Ikaw na nga talaga ang papalit sa 'kin bilang detective!"

Kaka-flex sa 'kin ni Papa, kitang-kita ang pagsalungat ni Mama.

"Talaga ba? Sinasabi mo 'yan sa harap ko? For your information, magiging doctor si Spence!"

'Yan na nga ba'ng sinasabi ko.

"Nakikita ko ang potential niya bilang detective kaya susundan niya ang yapak ko."

"Wala akong pakialam sa potential na 'yan! Basta, magiging doktor ang anak ko!"

"Magiging detective ang anak natin. Maraming krimen ngayon. Marami ang nangangailangan ng hustisya kaya kailangan nila ng mahusay na detective."

"Marami'ng nagkakasakit ngayon kaya't kailangan nila ng mahusay na doctor at si Spence 'yun!"

Hayan na naman sila sa madalas nilang pagtalunan, tsk!

"Alam niyo Ma, Pa, mas masarap kumain kung tatahimik kayo," sabat ko.

"Pasensiya na anak. Ako na ang humihingi ng pasensiya para sa Mama mo!"

"Ikaw ang nagsimula kaya ikaw lang ang dapat humingi ng pasensiya.

"Ang laki talaga ng problema niyo!"

---——-

"Wala ka na bang mas ibabagal diyan?"

Napalingon ako sa biglang nagsalita paglabas ko ng gate. 

"Irish!"

"Naisip ko kasing kailangan kong bumawi sa pagdedma ko sa effort mo kahapon na hintayin ako."

Napangisi ako sa kaniya.

"Hindi mo nga talaga ako matitiis."

Pinagmasdan ko siya.

"Love mo nga talaga ako!"

" 'Wag kang feeling! Hindi ko 'to ginagawa para sa 'yo!"

Nagpalinga-linga ako para tignan kung may iba pa kaming kasama.

"Eh kanino mo ginagawa? Ako lang naman ang tao dito bukod sa 'yo."

"Ginagawa ko 'to para sa konsensiya ko. Bagay na wala sa 'yo," kunot-noo niyang sagot.

"Nagsorry na kaya ako sa nagawa ko nung isang araw. Patunay na may konsensiya ako."

"Ang ayoko lang kasi, 'yung binibigyan ng malisya ang mga ginagawa ko."

Naglakad siya paalis.

"I..." sambit ko at sinundan ko siya.

"...alam ko namang as a friend lang lahat ng ginagawa mong 'to. Binibiro lang naman kita. Masyado kang pikon," sambit ko at sabay na kaming naglalakad ngayon.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now