Chapter 11 - Quarrel

2.2K 74 14
                                    

(Sherry's PoV)

Wala kaming choice ni Marcus kundi sundin ang utos ni Ms. Chairman at Mr. Detective.

At wala akong ibang masisi kundi ang lalaking 'to!

"Wala ka talagang ibang ginawa kundi ang maging perwisyo sa buhay ko!", bulyaw ko sa kaniya habang naglalakad kami palayo kina Spence my love.

"Excuse me???", sagot naman niya.

"Never talk to me that way! Wala kang karapatan!", pagpapatuloy niya.

Napatigil ako at napa-cross arm sabay tingin sa kaniya nang nakataas ang aking kilay na tila ini-inspection siya!

"So....what's that mean???", clueless niyang tanong.

Ang labo talaga ng lalaking 'to! Ang simple simpleng gesture lang di pa niya ma-gets na nakakapikon siya.

"It means...."

At bigla kong napagtanto na walang patutunguhan ang pakikipagtalo ko sa napaka-slow na guy na 'to!

"It means...kailangan na nating gawin yung pinapagawa nila!"

Napakamot lang siya..

"Ok fine! But remember you started this"

Inirapan ko lang siya at nauna na akong naglakad papuntang stock room para kumuha ng paint.

Habang inaasikaso ko yung paint, siya naman kumuha ng paint brush. Merong set doon ng paintbrush at kinuha niya lahat yun

"Ok let's go!", sambit niya

At maglalakad na sana siya palabas dala ang mga paint brush nang mapatigil siya dahil nagreact ako sa sinabi niya.

"What? You mean bubuhatin ko 'tong mga paint samantalang ikaw paint brush lang? Wow ha...napaka-gentleman mo!", pagtataray ko sa kaniya.

Tinignan niya ako na tila ba hindi siya makapaniwala sa sinabi ko!

(Marcus' PoV)

Hindi ako makapaniwala sa babaeng to. Wagas kung magreklamo. Hello...isang paint lang naman ang bubuhatin niya. Yung pinakamaliit na lata ng paint. Ano naman kaya'ng mahirap dun?

"Wow ha..napaka-big deal. Kung makapagreklamo ka naman parang isang sakong bigas bubuhatin mo!", asar kong sagot sa kaniya.

"Trabaho 'to ng guy. So whether magaan 'to o hindi, trabaho pa rin 'to ng guy!"

"Ok...bubuhatin ko yan. Bubuhatin mo tong mga paint brush?"

Hindi siya umimik. Gusto pa yata ng babaeng to ako ang magbuhat lahat. Hello..ano siya prinsesa? Back in my home country nga may taga-buhat pa ako ng bag tapos ginaganito lang niya ako.

"Kung wala kang gustong gawin to help, then it's better if we'll just be sent out to the disciplinary office.

Halatang kinabahan siya sa sinabi ko..

"Ok fine. Bubuhatin ko na!"

"Dapat lang!", sagot ko sabay ngiti..

Nandito na kami ngayon sa may CR.

Nakatitig lang kami sa nakasulat na "she" na papalitan namin ng "he" habang hawak ko ang paintbrush at hawak ni Sherry yung paint..

"So pano yan? Ano'ng gagawin natin para mabura yan? Iisang paint lang ang kinuha mo!", sambit ko habang nakatingin pa rin sa "she"

"Ayoko nang bumalik dun ah!", pangunguna ni Sherry na ang tinutukoy ay sa stock room.

"Natural! Tamad ka eh..", resbak ko sa kaniya.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now