Chapter 2 - With Baby

2.3K 74 0
                                    

Nakaalis na si Tita nang dumating si Lolo. Napatigil siya nang makita niya akong may kargang baby sa sala at pinapadede siya...

"I-Irish...t-totoo ba to? May dala kang baby?", agad niyang tanong

"Hi Lolo...meet Baby Ken..the cutest baby ever. Mana daw sakin!"

Napanganga si Lolo sa narinig!

"M-mana sayo? I-ibig sabihin ba nito....p-pero hindi naman kita nakitang nabuntis ah!"

Bigla akong naguluhan sa sinabi ni Lolo..

"Lo! Ano ba'ng sinasabi niyo? Si Baby Ken, yung anak ni Tita Irene!"

Biglang nawala ang pagdududa niya sakin at napalitan ng pagtataka

"Si Irene? Ba't siya nandito? I-iniwan niya si Ben?"

"Baby Ken po!"

"Bakit niya iniwan? Hanggang kailan? Bakit ka pumayag? Kaya mo bang mag-alaga ng bata?"

Napabuntong-hininga ako..

"Lolo..one question at a time naman please."

Pagkatapos ay kwinento ko kay Lolo ang pagpunta ni Tita Irene. Sinagot ko na rin lahat ng katanungan niya.

"Loko yung Irene na yun ah..hindi man lang ako hinintay. Parang hindi ako namiss ng pamangkin kong yun!", medyo may pagtatampong sambit ni Lolo

"Eh ang tagal mo kasing dumating eh", sagot ko sa kaniya...

-------

Napatulog ko agad si Baby Ken kaya hindi ako nahirapan sa kaniya.

Hiniga ko siya sa nakalkal ni Lolo na dati kong crib at tuluyan na siyang natulog.

Mabait nga talaga si Baby Ken. Hindi naman pala siya mahirap alagaan.

----------

The next day, nagising ako sa iyak ni Baby Ken...inaantok pa ako!

Pero ok lang basta para sa cute na si baby Ken..

Agad ko siyang kinarga. Malakas pa rin ang iyak niya...

"Bakit baby? Gutom ka na? Ay gutom na siya.."

At medyo hindi ko alam ang gagawin ko dahil kailangan ko pala siyang ipagtimpla ng gatas. Natataranta ako sa iyak niya.

First time ko lang kasing gagawin to!

Kukunin ko dapat ang lalagyan niya ng gatas sa table kung saan ko iniwan kagabi kaso wala!

"D-dito ko lang naman iniwan ah!"

At iyak pa rin ng iyak yung baby. Naaawa na tuloy ako sa kaniya.

Kinalkal ko yung bag niya kaso wala pa rin!

Nagsisimula na akong pagpawisan dahil hindi ko mahanap ang kailangan ni baby.

Ang lakas pa rin ng iyak niya..

"Sssh! Sssh! Tama na baby!"

Dahil wala sa kwarto, agad akong bumaba baka naiwan ko sa kusina.

Agad ko itong napansin sa table. May natimpla nang gatas roon. Mainit pa ang gatas ibig sabihin bagong timpla.

At may napansin akong note sa mismong gatas..

"Oh ayan..pinagtimpla ko na si baby."

Napangiti naman ako agad. Si Lolo ang sweet!

At pinadede ko na kay Baby Ken. Agad naman siyang tumigil sa pag-iyak..

Nakangiti ako habang tinitignan ko si Bay Ken na umiinom ng gatas!

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now