Chapter 6 - Encounter

886 29 0
                                    

(Spence's PoV)

"Hi anak!", bati ni Mama

Nadatnan ko siya sa kusina, naghihiwa ng gulay.

"Hi ma!", bati ko rin.

Dumiretso ako sa may fridge para kumuha ng tubig.

"Teka bakit yan?"

Napansin ni Mama ang pasa ko sa mukha.

"Nakipag-basag-ulo ka?"

Tumataas na yung pitch ni Mama. Ibig sabihin, galit na siya

"Hindi po!", sagot ko sabay inom

"EH BAKIT KA MAY PASA???? IKAW SPENCE AH! HINDI KITA PINALAKI PARA MAKIPAG-AWAY AH!!!"

"Ma, kalma. Malayo ito sa bituka!"

"Hoy Spence, wag mo 'kong sasabihan ng ganyan ah! Doctor ako. Alam kong malayo yan sa bituka pero ang point ko dito eh....yung values MO!"

Hindi ako umimik!

"Ayoko nang maulit 'to Spence!"

"Opo!"

Tinignan niya ako ng matagal.

"Kunin mo yung first aid kit. Gamutin mo yan."

Siyempre I have no choice kundi sumunod.

Bumalik ako sa kusina at ginamot ito. Samantala, itinuloy ni Mama ang pagluluto.

"Ano ba kasi'ng ginawa mo?", tanong niya

This time, kalmado na siya

"Mahabang kwento Ma!"

Siyempre a teenage guy like me doesn't have a courage to tell his mom what really happened.

Maya-maya pa ay dumating na rin si Papa.

Nadatnan niya kami sa kusina.

"Oh! Bakit ano'ng nangyari sa'yo?", pagtataka ni Papa.

"Napag-initan lang po!"

Yan na lang naisagot ko to cover up what really happened.

"Gumanti ka ba?"

"Hindi po!", alam ko namang hindi siya matutuwa pag gumanti ako

"Mabuti kung ganun. Ok lang na hindi gumanti basta wag ka lang magmukhang mahina!", payo ni Papa

Tinignan niya ako ng medyo matagal saka muling nagsalita.

"Oh sige. Tutal magiging detective ka rin naman in the future, I think it's better for me to share the secrets to having a good reputation in a way na hindi ka nagmumukhang mahina"

Pagkarinig ko pa lang yung word na detective, mukhang alam ko na ang susunod na magaganap!

Tinawanan ni Mama yung sinabi ni Papa

Napatingin kami sa kaniya.

"There's no need to share him YOUR SECRET", pagdidiin niyang sambit

.

.

"Can't you see?", pagpapatuloy ni Mama

"Yung alin?", tanong ni Papa

"Can't you see what Spence is doing? Ginagamot niya yung sarili niya. Ngayon, alam mo na kung bakit hindi niya kakailanganin yang secret secret mong yan!"

Sabi ko na kasi eh. Alam ko na ang mangyayari.

"Nagkataon lang na kinailangan niyang gamutin ang sarili niya tapos biglang dinahilan mo na yan? Tsk!", depensa ni Papa

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now