Chapter 7 - Truth Behind

2.1K 79 2
                                    

(Irish's PoV)

Agad kong tinawagan ang aking Lolo para sabihin na kailangan nilang pumunta sa kanto slash crime scene ng around 4 pm. At first hindi niya maintindihan kaya ipinaliwanag ko ang tungkol sa sulat. Nang malaman niya 'yun, hindi na siya nag-dalawang isip. Pumayag din siya.

Pagkatapos, dahil ang biktima ay taga-Cornerstone Academy, dapat lang na mapakinggan nila ang anumang dapat sabihin ni Marcus tungkol sa imbestigasyon kaya pina-announce ko sa Public Speaker.

Ako naman, deep inside, umaasa pa rin na ang resulta ng imbestigasyon ay magpapa-tunay na hindi patay si Spence. Na isa itong mistaken identity!

Pero mukhang malabo. Kung hindi si Spence 'yun, dapat tumawag na siya sakin. Dapat nabalitaan na niya ang tungkol sa crime na 'to, dapat nagpakita na siya at nag-imbestiga na rin. Naiiyak na naman tuloy ako.

Actually, habang tumatagal, nawawalan na rin ako ng pag-asa and this hurts me.

Napabuntong-hininga ako!

Kailangan kong magpakatatag!

Pagsapit ng 3:55 pm, nagtungo kami ni Jamie sa kanto at nadatnan namin doon si Marcus, naka-backpack at naka-upo sa mismong lugar kung saan natagpuang nakaratay ang biktima.

"Marcus!"

Napalingon siya at medyo nabigla nang makita niya kami. Siguro hindi niya akalaing ganun kami kaagang makakapunta!

"Ginawa na namin ang order mo. Nasabihan ko na sina lolo! Mayamaya andito na sila maging yung mga estudyante ng Cornerstone!", agad kong sinabi sa kaniya..

Napakunot-noo siya

"Uhmmm...Irish I d-----"

"Nandito na rin pala kayo!", biglang dumating sina Lolo kaya hindi naituloy ni Marcus ang kaniyang sasabihin!

Napa-tayo si Marcus nang makita niya si Lolo.

Samantala, kinausap siya ni Lolo.

"Ikaw 'yung nagpaalam sa 'king mag-iimbestiga. Wag mong sabihing ikaw ang may lead?", tanong ni Lolo

"Uhmmm...sinimulan ko po ang imbestigasyon"

Pinagmasdan ni Lolo si Marcus mula ulo hanggang paa

"Sana nga lang mahigitan mo  ang galing ni Spence o kahit mapantayan man lang!"

Napangiti lang si Marcus. Mayamaya pa ay nagsidatingan na ang ibang mga guro at estudyante.

Nang dumami na sila, inutusan ni Lolo si Marcus na simulan na niya kung ano ang dapat niyang sabihin.

Ako naman, kinakabahan. Kung tama kasi ang deductions niya, ngayon ko malalaman  kung si Spence nga ba 'yung biktima o hindi.

Napansin kong tinignan ni Marcus ang mga nandun isa-isa na tila ba meron siyang hinahanap! Pagkatapos ay nagsalita siya!

He started by clearing his throat!

"Ahemm....so I'm glad you're all here especially sa ating I. nspector!", pagsisimula niya

Saka siya nagpatuloy...

"The initial investigation was that the victim was burnt. Everything about him matches with the famous young detective, Spencer Quijano. As I go on with the investigation, I found out that the person responsible for this is from Cornerstone Academy! Hindi siya mismo 'yung pumatay pero siya ang nagpa-patay"

Lahat kami ay nagulantang nang banggitin niya 'yun. Samantala, habang nagpapatuloy siya sa kaniyang sinasabi, parang sinasabuyan ng kumukulong  tubig ang aking  puso na nagpapa-hirap sa bawat pag-tibok nito lalo na tuwing nababanggit niya na si Spence nga ang biktima.

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon