Chapter One - Weird I

3.4K 115 5
                                    

Three days earlier...

Pagkauwi ko ng bahay matapos kong ilibre sina Irish, agad akong naupo sa sofa sa kwarto ko at nag-isip-isip.

After solving the murder case? Ano kaya ang susunod. I mean, I'm becoming famous now but what's next? Hay naku ano ba naman 'tong iniisip ko. After everything that has happened, mas naexcite ako for the future.

Pagsapit ng gabi, matutulog na dapat ako kaso bigla kong naalala, may assignment pala kami sa English. May pinapasagutan si Mrs. Wesner sa book eh!

I checked my watch and it's 8:30. Tutal maaga pa naman, masagutan nga.

Kinuha ko ang libro ko saka binuklat ang pahina. Bigla akong nalito kung hanggang saang page ang assignment. Hindi ko maalala. Tsk! First period pa naman namin siya bukas. Makapagtanong nga kay I kung hanggang anong page.

"Hello I?"

"ANO BANG PROBLEMA MOOOOO? DIBA SINABI KONG HINDI AKO NANINIWALA SAYOOOOO??"

Inilayo ko ang phone sa pagsigaw niya.

Toot toot toot!!!!

Kakausapin ko na sana siya after niyang magsalita kaso pinatay niya agad. Ba't highblood 'to? Hindi naniniwala? Sa 'kin? Wala pa nga akong sinasabi hindi na siya naniniwala.

Riiiiiing!!

Biglang nagring ang phone ko! I looked at it and it's Irish calling me back!

"S-Spence, I-ikaw pala 'yung...t-tumawag kanina?"

"Ba't higblood ka?"

"Ha? Wala 'yun kalimutan mo na 'yun. Ba't ka nga pala napatawag?"

"Tatanungin ko lang sana kung hanggang saang page 'yung assignment sa English Literacy!"

"Ah 'yun ba? Page 21-26."

"ano? Ang haba nam--"

"sige bye!"

Agad niyang ibinaba ang phone niya. Anyare do'n? May nagawa na naman ba akong mali do'n? Tsk! Makapagconcentrate na nga lang sa mahabang assignment na 'to.

----------

Naglakad na ako papuntang school. Sinubukan kong sunduin si Irish kaso nauna na raw siya sa school. I checked my watch, 7:25 na. I'm getting late!

Agad akong tumakbo at nakarating ako sa school ng 7:35. Late ako ng 5 minutes.

Pagdating ko sa classroom, ando'n na si Mrs. Wesner.

"Sorry ma'am for being late!"

" 'Yung ballpen ko nawawala!" reklamo ni Isabelle.

"Ako rin!" ani Derek.

"Oo nga, pati 'yung sa 'kin."

Sunod-sunod ang reklamo nila. Dahil sa bagay na 'yon, wala ng time si Ma'am na pagalitan ako kaya naman pinapasok na lang niya ako.

"Class, calm down. Ballpen lang 'yan!"

"Ma'am, ballpen lang po pero 'yung halos lahat kami mawalan ng pen, hindi 'yun normal!" sagot ng isa ko pang ka-klase.

Tinignan ko si Mrs. Wesner pati rin naman siya nababahala, kunwari pang hindi. Habang naglalakad ako papuntang upuan ko, napalingon ako kay Irish at may kausap na naman siya sa phone. Hindi naman gumagamit ng phone si I during class ah!

"Ilan ba ang nawalan ng ballpen?" tanong ni Mrs. Wesnerz

Nagtaas ng kamay ang mga nawalan ng ballpen. Binilang ng isa kong classmate.

"28 ang nawawalan ng pen."

Tahimik lang ako sa upuan ko habang pinakikinggan ang mga usapan nila.

Hindi na tuloy kami nakapagklase dahil sa ballpen na 'yan. Sinagutan ko pa man din 'yung assignment namin kagabi.

"Class Dismiss!" sambit ni Mrs. Wesner.

Pagkalabas ni Mrs. Wesner, mas nagkagulo ang klase. Mas umingay, may mga nainis dahil nawala ang pen. Iba-iba ang reaksyon nila. Halos may nag-away na rin dahil sa bintangan.

Napatingin ako kay Irish. Agad niyang inilayo ang tingin niya no'ng mahuli kong tinitignan niya ako. Looking at her, ang tahimik niya at natutulala. Mukhang kailangan kong makausap si I.

----------

"I...I...Hoy I!"

Lunch time na. Papuntang cafeteria si I at dahil mabilis siyang maglakad, hinahabol ko siya.

"Irish...pansinin mo naman ako kanina pa ako sumisigaw dito oh!"

"Ano ba kasi'ng kailangan mo?"

Hay, sa wakas nakahalata rin.

"Pwede ba kitang makausap?"

"Tungkol saan?"

Halata sa mukha niyang nagtataka siya.

"Bestfriend, kanina pa kita hinihintay sa cafeteria kaya nagdecide akong puntahan ka na lang!"

Biglang dumating si Jamie. Kaya pala nagmamadali si I. Tinignan ako ni Jamie suspiciously.

"So, ano'ng meron?" tanong niya.

Tinignan ako ni Jamie na para bang nagsu-suspetsa sa 'ming dalawa ni Irish.

"M-may sasabihin daw--"

"WALA!" pagputol ko sa sinasabi ni I.

Pagkatapos no'n, nagpaalam na ako sa kanilang dalawa. Nevermind na nga lang!

-----------

I really find my day so boring!! Wala akong makasama. Busy yata lahat ng tao dito ngayon. 'Yung mga teammates ko, may kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan. Si Irish naman, busy with Jamie, si Jimson, may tinatapos na report. At ako? Heto mag-isa sa library. Naisipan kong since mag-isa ko, tambay na lang ako sa library!

"Hay...ang boring talaga!"

Napabulong na lang ako sa sarili ko. Hindi ko ma-absorb ang binabasa ko. Bakit ba kasi walang book dito about crime? Sinubukan ko ring magbasa ng Logic book kaso bored pa rin ako!

Sa sobrang bored, ipinatong ko na lang ang ulo ko sa table.

"Nabalitaan mo na ba 'yung nangyari sa Section A ng Grade 11?"

"Ano'ng meron?"

"Nawawala raw 'yung mga ballpen nila."

"Ano naman ngayon?"

"Nakapagtataka kasi andaming pwedeng nakawin, ballpen lang!"

Biglang may dumaan na estudyanteng nag-uusap. Pinag-uusapan nila 'yung tungkol sa nawawalang ballpen.

Napa-angat ako ng ulo.

Tungkol pala sa bagay na 'yun, ano kaya ang ipinapahiwatig ng pangyayaring 'yun? Mahirap paniwalaang nagkataon lang.

I smiled to myself to show that I'm challenged!

Hmmmmm...maganda siguro itong gawing boredom buster! I'll try to solve the mystery.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now