Chapter 7 - He knew

1.2K 45 0
                                    

(Irish's PoV)

Hay...kahit papano, nakakatuwa din pala si Jonas.

Pumasok ako sa loob. Nadatnan ko si Lolo na nanonood.

Sigurado, lagot ako nito! Late ako'ng umuwi eh.

Napa-buntong hininga ako...saka pumasok sa loob

"G-good evening 'Lo"

As expected, tinignan niya ako ng seryoso.  Pagkatapos ay tumingin siya sa kaniyang relo.

"San ka ba nagpunta at ngayon ka lang nakauwi?", tanong ni Lolo na medyo mataas ang boses.

Napalunok ako

" 'Lo k-kasi..."

"Ano? Ayoko sanang isipin 'to pero....wala ka naman sigurong ginagawang kalokohan diba?"

"Ay wala po Lo! M-may sinamahan lang po ako....kaya ako ginabi. Biglaan po kasi kaya di na ako nakapagpaalam. Pero balak ko po talaga sana kayong tawagan para hindi kayo mag-alala kaya lang na-lowbat ako. Wala po akong ginagawang kalokohan", in-explain ko na lahat para hindi na mag-abala si Lolo na magtanong. Tsaka para hindi na rin ma-prolong ang pagdududa niya.

Halata namang gumaan ang loob ni Lolo sa mga sinabi ko.

"Nag-alala ako sa'yo. Pinilit ko lang maging kalmado dahil sa paniniwalang may tiwala ako sa'yo. Pero parang awa mo na, wag nang mauulit 'to."

Tumango ako

"Sorry po Lolo!"

Tinignan niya ako. Tila ayos naman na

"Palalampasin ko 'to!", sambit ni Inspector

Aakyat na sana ako sa aking  kwarto nang may ipahabol si Lolo

"Sino nga pala yung sinamahan mo at ginabi kayo? Hindi naman siguro si Jamie yan?"

Napaupo ako dahil sigurado, mahaba-habang usapan 'to.

"Hindi po si Jamie. Bagong kakilala po!"

"ANO???", gulat na reaksyon ni Lolo

".....sumama ka sa bago lang na kilala? Pano kung loko-loko pala yun? Pano pag napahamak ka?", pag-aalala ni Lolo

"Hindi naman po eh. Mabait naman po!"

"Sino ba yung sinamahan mo at san kayo nagpunta?"

"Sa prisinto po!"

"ANO???", reaksiyon ulit ni Lolo

"....prisinto?"

Hindi ko naman masisisi kung ganoon ang reaksyon ni Lolo. Usually naman kasi, mga pumupunta sa prisinto, mga may irereklamong kalokohan o kaso

"Lolo, kalma. Hindi ito gaya ng inaakala mo. Hindi ako involved sa kung anumang pinunta ng kasama ko!", paliwanag ko

"Eh...ano'ng ginawa niyo dun? Pwede ba Irish, diretsuhin mo ako. Ano ba talagang nangyayari?"

"Ganito yun 'Lo...."

Ipinaliwanag ko kay Lolo ang nangyari. Sinabi ko na may niligtas akong babaeng na nagngangalang Suzanne na anak ng businessmen sa London. Sinabi ko rin na hinahanap niya ang kaniyang kapatid na si Marcus Beckendorf. Kaya kami nagtungo sa prisinto ay para makahingi ng update.

"Beckendorf?", tanong ni Lolo habang napapaisip

"Opo. Marcus Beckendorf!", pagkumpirma ko.

"Aha! Alam ko na. Kaya familiar eh!"

...

...

...

"Siya yung na-kidnap sa isang mall tama?"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now