Chapter 8 - Nakakapanibago

1.2K 45 0
                                    

(Irish's PoV)

"Class dismiss"

Dahil diyan, lunch break na.

Yun nga lang...

Absent si Jamie!

Ibig sabihin, wala akong kasabay kakain ng lunch.

Kung kailan kailangan ko ng kasama at kausap saka pa siya wala.

Wrong timing talaga siyang umabsent.

"Tara, lunch na tayo!", sambit nang isang boses malapit sakin. Paglingon ko, si Spence.

Sa sobrang hindi ko akalaing magyayaya siya...isang .....

"Ha?", lang ang naisagot ko.

" 'wag mong sabihing tatanggi ka I?"

"B-bakit ka nagyayaya ngayon? Diba busy ka?", sagot ko na medyo naiinis.

Tinignan niya ako. Tila ba pinag-aaralan ang sinabi ko.

"Ba't mo naman nasabing busy ako?, tanong ni Spence

Aba, patay-malisya talaga 'tong taong 'to. Patunay lang na wala talaga siyang balak magkwento sakin.

"Wala. Hindi ako sasabay sa'yong maglunch!", with tampo effect kong sambit.

"Huh? Eh sino'ng kasabay mo? Absent si Jamie oh!", sagot niya

"Kaya ko naman ang sarili ko!"

"Alam mo nakakapanibago ka talaga!", pag-amin ni Spence.

Napatingin ako sa kaniya. Matalim na tingin ang ibinato ko sa kaniya. Ako? Nakakapanibago? Eh siya kaya? May pagkamanhid pala talaga 'tong lalaking 'to. Hindi lang ako sasamang maglunch nakakapanibago na daw ako. Eh siya kaya? Hindi niya makita'ng sarili niya.

"Ako pa talaga'ng nakakapanibago noh? Nakakahiya naman sa'yo. Hindi lang ako sasabay mag-lunch nakakapanibago na agad. Hindi ba pwedeng ayoko lang talaga?", sagot ko at pinipilit kong maging kalmado.

Ayoko lang kasi talaga yung napapansin ako samantalang hindi niya mapansin ang sarili niya.

"Hindi lang naman dahil sa hindi ka sasabay maglunch kaya ko nasabi yun"

Tinignan ko lang siya. Siguro naman gets na niya sa tingin ko na tinatanong ko siya kung bakit.

"Last night ginabi ka, ni hindi ka nagpaalam sa Lolo mo. Tapos may kotse kang sinakyan pauwi. Masaya ka pa ngang nagpaalam sa driver eh. Sino ba yun? Bakit ka ginabi? San ka galing?"

Feeling ko nasa interrogation room ako ngayon.

"T-teka, a-alam mo? N-nakita mo?"

(Spence's PoV)

Patay! Hindi ko na-control yung tanong ko. Tuloy-tuloy na lang lumabas sa bibig ko. Malalaman na niya tuloy na nagpunta ako dun kagabi. Ewan pero I find it embarrassing when I waited for so long only to find out that the person I've been waiting was with someone else. Feeling ko I've no worth at all. And it's something I don't want Irish to notice.

"Uhmmm..napadaan lang!"

Itinaas niya ang kaniyang kilay

"Talaga lang ah!", pagtataka ni Irish

"Eh ikaw? S-sagutin mo yung tanong ko. Bakit ka ginabi last night? Sino yung naghatid sa'yo? Meron ka bang tinatago?"

Yeah! It's called diversion tactic. Habang maaga pa, iniba ko na yung usapan.

(Irish's PoV)

Hindi ako makasagot agad sa kaniyang MGA tanong. Tinignan ko lang siya na tila pinag-aaralan ko ang aking kaibigan.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now