Chapter 5 - Cellphone Number

2.7K 112 17
                                    

(Irish's PoV)

Asan kaya ngayon si Spence? Parang bihira ko lang siya makita ngayon. Sabagay, bakit nga naman magpapakita 'yun eh di ko pinansin kanina. Pero baka hindi 'yun ang dahilan. Baka sino-solve niya 'yung mystery tungkol sa pagkawala ng mga ballpen o baka kasama na naman niya si Sherry.

Bahala na nga sila! Maka-order na nga lang ng pizza sa cafeteria.

Naglalakad ako papuntang cafeteria nang madaanan ko sa isang lounge si Sherry. Akala ko magkasama sila ni Spence. Pinagmasdan ko siya. Hmmm...hindi siya mapakali. Kinakalikot niya ang cellphone niya tapos ibababa niya tapos mag-aalala ang itsura niya tapos titignan na naman niya ang cellphone niya. Ano kaya'ng problema niya? Habang pinagmamasdan ko siya, bigla siyang napa-tingin sa'kin kaya agad kong ibinaling ang aking atensyon sa iba para hindi ako mahalata. Kaso...

"Irish! K-kanina ka pa diyan?"

Dahil nahuli na niya ako, wala na akong nagawa kundi ang kausapin na rin siya.

"Ah o-oo! Ba't parang problemado ka? Ano'ng problema?" curious kong tanong.

"Eh kasi ano eh!! Kasi..."

Mukhang matindi ang problema niya. Hindi na niya masabi ng diretso ang sasabihin niya.

"Anong ano?"

Hindi pa kasi niya diretsuhin.

"May load ka ba?"

"Load? Bakit?" pagtataka kong muli.

"Nagtext kasi 'yung boyfriend ko. Magkikita daw kami mamaya kaso, naubusan ako ng load. 'Di tuloy ako maka-reply."

"S-sino'ng boyfriend mo?"

May kung anong kaba ang naramdaman ko sa sinabi niya. 'Wag naman sanang si Spence ang tinutukot niyang boyfriend. Hindi pa ako handang magka-gf ang kaibigan ko.

"Si Jake 'yung taga-ibang school!"

"H-hindi si Spence?"

"Type ko siya. Pero alam ko namang wala akong pag-asa do'n. Pwede bang pa-text?"

Bigla akong nakaranas ng kakaibang sigla sa sinabi niya.

"Ah s-sure! Sige."

Pumayag na ako sa sobrang tuwa.

At tutal may load naman ako. Inabot ko sa kaniya ang aking cellphone at agad naman niya itong kinuha.

(Sherry's PoV)

Medyo inilayo ko ang phone sa kaniya para siguradong hindi niya mabasa ang kinakalikot ko. Sa totoo lang kasi, hindi naman talaga ako magte-text sa bf ko dahil wala naman akong boyfriend. Ang totoo niyan, hahanapin ko ang phone number ng tumawag kay Irish. Ito ang itinuro ni Spence para makuha ko ang phone number. Ang galing ni Spence 'no? Kaya my love ko 'yan eh!Sabi niya, kapag daw hindi ako sure sa nakikita kong number sa call log niya, hanapin ko lang ang time na binigay niya kung kailan tumawag 'yung stranger.

Pero...

Asan na ba kasi yun!

Ba't hindi ko mahanap?

Tinignan ko si Irish, medyo natatagalan na siya sa paghihintay. Baka makahalata siya.

Anong alibi ang gagamitin ko 'pag nagtanong siya kung bakit ang tagal ko?

(Irish's PoV)

"Irish, diba mahilig ka sa pizza? Malapit nang maubos ang tinda nila."

Isang classmate ko ang napadaan at kumausap sa 'kin, 'yun si Aries.

Naku! Malapit na raw maubos ang pizza. Hindi ako papayag na hindi ako maka-kain ng pizza ngayong araw na 'to.

Tinignan ko si Sherry! Ang tagal naman hindi pa siya tapos.

Napa-tingin ako sa kaniya habang pinag-iisipan kong mabuti kung ano ang dapat gawin.

Bahala na nga! Balikan ko na lang 'yung phone mamaya. Mukhang mapagkakatiwalaan naman siya.

"Uhmmm, Sherry! Balikan ko na lang mamaya."

"S-sige!" tila tuwang-tuwa niyang sambit.

(Spence's PoV)

"Thanks Aries!"

"No problem!"

Naka-sandal ako ngayon sa puno ng mangga sa 'di kalayuan kina Irish at Sherry, pinagmamasdan sila. Napansin kong nahihirapan si Sherry sa paghahanap sa number na pinapakuha ko at medyo naiinip na si Irish kaya tinulungan ko na siya. Gumawa na ako ng alibi. Inutusan ko 'yung classmate naming si Aries na sabihin kay Irish na paubos na yung pizza. Sigurado kasi akong 'pag 'yun ang usapan, hinding-hindi siya makakatanggi.

Mayamaya pa, biglang nag-vibrate ang phone ko. Na-tanggap ko na nga ang number na pinapakuha ko. Ni-replyan ko agad si Sherry para magpasalamat.

Tinignan ko ang oras at tamang-tama, bakante ngayon sa office ng basketball players. Doon muna ako!

Pagdating ko sa office, agad kong ni-lock ang pinto. I sat and dialed the number of the stranger.

It's ringing but no one is answering the phone.

Inulit ko nag pagtawag sa number. Nagri-ring ulit pero hindi niya sinasagot. Bakit kaya? Posible kayang sinasadya niyang 'wag sagutin?

Sinubukan ko pa siyang tawagan ng isang beses.

Pinatay niya ito.

Ngumiti ako sa sarili ko. Hmmm, alam na! Kung sinasadya niyang patayin ang tawag, posibleng kilala niya kung sino ako. Kadalasan kasi, kapag hindi kilala ng isang tao kung sino ang tumatawag, ang unang-una niyang gagawin ay sasagutin niya ito upang malaman kung sino siya. Usually!

Ngayon unti-unti ko nang nalalaman kung sino ka. At kung ipagpapatuloy ko ang paglutas sa mystery hanggang mamaya, posibleng hindi ko na kailangang umabot hanggang biyernes para alamin kung sino ang nasa likod ng misteryong ito.

Chineck ko ang aking relo at agad akong lumabas dahil may klase pa ako.

(A/N: Hi readers 😊 Sino sa tingin niyo ang may kagagawan sa pagkawala ng mga ballpen? Ang unang magcocomment, bibigyan ko ng chance na magsuggest ng scene na susunod for the next mystery case story :)

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon