Chapter 4 - Identity

1.2K 51 2
                                    

(Irish's PoV)

Oo nga! Si Marcus pala yung kahawig niya.

"Have you met him?", tanong ni Suzanne

Napatingin ako sa kaniya saka ako tumango

"He's...he's my schoolmate!"

Na-amuse siya sa sinabi ko

"Really??????"

"Yes! But....but the school is closed. Today's classes are over!"

"Ow", dismayado niyang sagot.

"But...but you can come back tomorrow!", sambit ko para i-cheer up siya.

"Sure! That's the only choice I've got"

Ngumiti lang ako.

"But....but wait...can I ask you something?"

"Go ahead!"

"If you're really Marcus' sister, how come you didn't know where he is?", tanong ko na medyo nag-aalangan.

Nakaka-curious lang!

The moment na marinig niya yung tanong ko, biglang nag-iba ang kaniyang emosyon. Napalitan ito ng lungkot na may halong pagsisisi.

Handa na akong marinig ang dahilan. Sa itsura niya, meron siyang malaking revelation tungkol sa kaniya eh! Especially, may pagka-mysterious talaga si Marcus.

"It's....it's a long story!"

Napalunok ako! Hindi ko alam kung dala to ng hiya o pagka-dismaya. Umasa akong sasabihin niya eh!

Pero isa lang ang na-kumpirma ko sa asal niya. Magkapatid nga sila ni Marcus.

Naalala ko sa kaniya nung  makilala ko si Marcus. After niyang saluhin yung bola na tatama sana sakin! Niyaya siya ni Jamie na mag-lunch. Tapos na-discover namin na sila yung may-ari sa sikat na Korean restaurant nearby.

At nung tinanong namin kung saang school siya galing, seryoso din siya nun.

Excited din kaming malaman nun! Sa reaksyon kasi ni Marcus nun, tila sasabihin naman niya..hanggang sa...

"Secret!", yan lang ang binanggit niya samin!

Maya-maya pa, napakunot-noo ako sa naalala ko!

"W-wait! I thought Marcus is Korean."

Natawa si Suzanne sa sinabi ko.

"That's ridiculous! You can easily distinguish us from Koreans."

Napaisip ako! Oo nga...hindi nga siya totally mukhang Korean pero...

"I'm confused! I mean...he told us before that his family own the Korean restaurant nearby"

Hindi makapaniwala si Suzanne

"Really?"

"Yes!", pagpupumilit ko

"Can we go there?"

Napatingin ako sa aking relo...5:15 pm na.

"Uhmm..sure!"

Hapon na pero kailangan niya ng tulong. Tsaka tungkol kay Marcus to so pano ako makakatanggi.

(Spence's PoV)

"Hindi mo man lang ba siya kinilala dati? Tinanong kung sino siya? Taga-saan?", tanong ko over the phone.

Andito ako sa aking kwarto nakaharap sa aking laptop, making a research about Marcus Beckendorf habang kausap si Sherry sa telepono.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Sherry

"Hindi nga kami magkasundo nun diba? Inis na inis kaya ako sa kaniya. So ba't naman ako magkaka-interes na kilalanin siya!"

"Kilala nga pala silang pamilya sa London. Hindi siya mahirap kilalanin sa internet. Maraming article tungkol sa kaniya. Yun nga lang...walang pictures!"

"Eh kung walang picture, pano mo nalaman na si Marcus nga na kilala natin yan?"

"I based it from the newspaper you've brought! Binabanggit dito na ang parents niya ay mga sikat na businessmen with a same name on the newspaper. Yayamanin so talagang delikadong i-post mga pictures nila sa internet."

"At least meron na tayong hint about him!"

Kumunot ang aking noo..

"Oo pero! I don't think these are not that significant. Kailangan natin ng information about him dito sa Pinas."

"At hindi rin pala natin alam kung bakit siya nandito. Bakit siya umalis sa kanila!", sambit niya na tila ba siya ay natauhan

"Oo!"

"Hindi kaya natin pwedeng i-inform ang family niya?"

"Pwede pero...paano sila maniniwala? Wala tayong maipakitang Marcus sa kanila. Mahirap magtiwala ang mga ganung tao sa mga gaya nating estudyante lang na wala man lang ebidensya sa mga sinasabi natin! Mahirap."

"Nakakainis naman!", sambit ni Sherry

"Pero...gagawin natin ang lahat para matulungan si Marcus.", paniniguro ko

"Sana okay lang siya!"

(Irish's PoV)

Mula sa taxi, ibinaba kami sa Korean Restaurant na sinasabi ko.

"Here it is Miss Suzanne!", sabay turo ko sa sinasabi kong restaurant.

"Suzanne is fine. Forget the Miss"

"Why? You're married?"

"No! Putting miss on my name is too formal."

Medyo nahiya naman ako.

Pumasok kami sa Korean restaurant na yun!

Isang babaeng nakasalamin which is halatang pure Pinay at hindi Korean, sa tingin ko ay nasa 40 plus ang edad. Kulot na hanggang balikat ang kaniyang buhok. Nagbibilang siya noon ng pera sa kaha!

Napatigil siya nang makita si Suzanne ngunit maya-maya pa ay hindi na niya ito matignan ng diretso. Hindi ko alam kung nahihiya o may tinatago.

Samantala, labis ang tuwa ni Suzanne nang makita ang babae. Tila sila long lost friend!

"Nanny Gemma?"

Long lost Nanny pala!

Napatayo si Aling Gemma. Excited naman na lumapit si Suzanne

"Senorita?"

Shocks! Mas matindi pala ang dapat itawag sa kaniya sa Miss. Pero buti na lang humble si ate :)

"My God! I missed you"

Nagyakapan sila. Though halatang pinipilit ni Aling Gemma ang ngumiti.

Pagkatapos nilang magyakapan, unti-unting napawi ang tuwa ni Suzanne nang lumuhod si Aling Gemma sa harap niya. Humingi ng tawad habang umiiyak.

"I'm so sorry Senorita. I always thought  he'd be safer here but I was wrong! I'm really sorry."

Hindi maintindihan ni Suzanne ang sinasabi ni Aling Gemma.

"W-what are you saying?", tanong ni Suzanne dahilan para mapawi ang kaniyang tuwa.

Maging ako nalilito na rin sa nangyayari. At bigla akong kinabahan.

Nung una, nahihirapan pang magsalita si Aling Gemma. Ngunit kalauna'y nasabi rin niya ang dapat niyang sabihin

"Your brother"

Nagkaroon ng katahimikan sa lugar na yun.

"He's...he's not fine....he's kidnapped"

(Hi readers! Sorrrry for the super duper tagal na update. I hope magustuhan niyo 'tong update ko ngayon! Please vote and leave your comments..thanks (*kindat) )

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon