Chapter 2 - no Clue

1.3K 48 0
                                    

(Irish's PoV)

Napatingin ako sa aking relo! 3 minutes na lang 7:30 na wala pa sa loob ng room si Spence...

Naku baka mamaya ma-late yun, mapagalitan pa siya ni ma'am.

Hindi ako mapakali sa aking upuan!

Hashtag worried!

"Hashtag oa sa worried...hindi ka mapakali sa upuan mo!"

Nagulat naman ako nang biglang magsalita si Jamie. Tila ba alam ang iniisip ko!

"Sinasabi mo!"

"Obvious!", sambit niya

Wala na ba talagang ibang gagawin to kundi ang mang-asar?

"Alam mo Irish....."

At nakita ko na ngang pumasok si Spence. Hay buti naman at andito na siya bago pa dumating si ma'am. Kaso tila malalim na naman ang iniisip niyan Dumiretso kaagad siya sa kaniyang upuan which is sa bandang harap ko na tila ba hindi niya kami napansin.

Ok fine isnab!

Pasalamat ka alam kong....

"Hoy Irish! Narinig mo ba yung sinabi ko? Tulalers ka diyan?"

"Huh? Ano kasi ulit yun?"

Napakunot-noo si Jamie sa inasal ko.

"Ok ka na ba talaga? Parang nawawala ka sa sarili? Baka mamaya masakit pa pala yang sugat mo, ayaw ko lang sabihin!"

Biglang napalingon si Spence sa sinabi ni Jamie.

"Ok lang ako! Wala na yung sugat ko naghilom na!", depensa ko

"Good morning class!"

Hindi namin namalayan, andiyan na pala yung teacher namin.

Maya-maya pa ay napatingin sakin si ma'am.

"Irish welcome back!", masaya niyang bati.

"Kumusta ka na?", ayos ka na ba talaga?"

"Okay na po ako", sagot ko nang nakangiti

"That's good kung ganoon"

At maya-maya pa ay nag-start na ang klase.

----------

(Spence's PoV)

Hindi niya nakuha yung plate number ng sasakyan, hindi ko lubusang kilala si Marcus. Sinubukan kong magtanong sa mga kaklase ni Marcus pero wala daw silang napansing umaali-aligid sa kaniya.

Napabuntong-hininga ako.

Wala akong lead!

Pano ko 'to sisimulan?

Hindi na tuloy ako makakain kakaisip!

Snack time namin ngayon at nandito ako sa canteen. Hindi talaga ako makakain lalo na pag na-cha-challenge ako ng husto.

Sinubukan ko pang mas mag-isip.

T-teka parang may nabanggit si Sherry na tinawagan dati ni Marcus at tumulong sa pagpi-paint.

Naaalala pa kaya ni Sherry sila? O natatandaan yung mukha?

At sakto, nakita ko si Sherry na napadaan sa may bintana. Pero tila nagmamadali! Kailangan ko siyang makausap.

Tumayo ako para habulin siya

"Spence!"

Si Irish, nasa harapan ko. May dalang pagkain

Ngumiti ako..ngunit agad ko ring binawi.

"I'm sorry Irish, may kailangan lang talaga akong asikasuhin"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now