CHAPTER 1 - M.U

8.1K 225 28
                                    

(Spencer's PoV)

"Hay! Ang bagal talaga niya!"

Napapabuntong-hininga na lang ako kakahintay sa pinakamabagal na taong nakilala ko.

Andito ako ngayon sa labas ng bahay nina Irish. Hinihintay ko siya sa pagpasok sa school pambawi man lang sa bigla kong pag-iwan sa kaniya kahapon.

Inilabas ko ang maliit na libro ni Papa at binasa ko ito.

"Curiosity must be applied if anyone wishes to be a good detective--"

Bigla kong naalala ang sikat na phrase, curiosity kills the cat! Naalala ko ang sinabi ni Papa kahapon, I should always kill the cat. Napa-ngiti ako at agad tinawagan si Papa.

"Hello Pa!"

"Oh, napatawag ka ang aga-aga!"

"Curiosity kills the cat!" Sabay ngiti sa sarili ko.

"I should always be curious!"

Narinig ko sa kabilang linya ang marahang pagtawa ni Papa.

"Sabi ko naman kasi, walang mahirap kung pinag-aaralan at pinag-iisipang mabuti!"

"Pinag-isipang mabuti? Napakadali ng puzzle. Hindi na kailangang pag-isipang mabuti."

"Spence anak, una sa lahat, hindi mo agad 'yan nasagot kahapon nung tanungin kita dahil hindi mo alam."

"Wala lang ako sa mood mag-isip kahapon," depensa ko.

"Pangalawa, sigurado naman akong na-gets mo lang 'yung logic dahil sa libro ko."

Napatingin ako sa cellphone ko nang marinig ang sinabi ni Papa.

"Alam ko kung ano'ng laman ng mga libro ko. Diba hiniram mo 'yun nung isang araw?"

Bumuntong-hininga na lang ako sa mga sinabi niya.

"Oo na. Ikaw na," Pagsuko ko.

"Oh siya, kailangan ko nang ibaba ang tawag," paalam ni Papa at pinatay ko na rin ito.

Saktong lumabas si Irish at handa na ring pumasok. Nakasuot siya ng uniporme at naka-backpack.

Meron siyang black wavy hair na ang haba ay hanggang balikat at may side bangs. Hindi siya mataba pero hindi rin siya gano'n ka-payat. Mas matangkad ako sa kaniya ng siguro ay 3 inches. 5'6" ako habang nasa 5'3" siya. Mayroon siyang oval-shaped na mukha. Gustong-gusto ko sa kaniya ang mga bilugin niyang mata na bumabagay sa kaniyang matangos na ilong. isama mo pa diyan ang mahahaba niyang pilik-mata.

Siya ang kaibigan ko at ka-M.U. ko.

"Good morning I! Sabay na tayo," bungad ko sa kaniya na sinabayan ko ng magandang ngiti.

I ang madalas kong tawag sa kaniya tuwing tinatamad na akong banggitin ang buo niyang pangalan.

"No need. Kaya kong pumasok mag-isa," nakasimangot niyang sagot at agad siyang naglakad paalis.

Napatingin ako sa aking relo.

"I..." pagsisimula ko at agad ko siyang sinundan.

"...parang masyado pang maaga para magsuplada ka."

Natigilan ako nang bigla niya akong harapin.

"Hindi mo ba alam? Dalawang oras kitang hinintay sa school kahapon, hindi mo man lang sinabi, umuwi ka na pala!"

"Ah...'y-yon ba?" Napahawak ako sa batok ko habang inaalala ang nangyari.

"B-bigla kasing tumawag si Papa, kailangan niya ng assistance ko."

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now