Chapter 13 - Moment of Truth

1.9K 49 92
                                    

(Spence's PoV)

Nagmadali akong bumalik sa rooftop.

Nung nasa hagdan pa lang ako, nakita ko na si Irish. Andun na siya.

Parang naninibago siya sa paligid niya.

Agad akong lumapit.

Mula sa kaniyang likuran ay tinawag ko siya

"I!"

Halatang nabigla siya sa pagtawag ko sa kaniya.

Sana nagustuhan niya ang inihanda naming sorpresa.

"I! Mabuti naman at andito ka na", sincere kong sambit.

Pinipilit kong magpigil ng tuwa pero ramdam kong ang puso ko parang sasabog na sa sobrang saya at excitement.

Humarap siya sakin!

" Ikaw!!???", sagot niya with a sour face. Parang hindi siya natutuwa na makita ako.

And then....hindi ko in-expect ang susunod niyang ginawa.

She slapped my face!

"Aray! Para saan yun?", pagtataka ko.

" IKAW ANG NAGPADUKOT SAKIN HA? HINDI MO BA ALAM NA HALOS ATAKIHIN AKO SA PUSO KANINA SA SOBRANG TAKOT? AKALA KO MAMAMATAY NA AKO. AKALA KO TOTOO YUN. TAPOS KAGAGAWAN MO LANG PALA?"

"Teka I...ano'ng sinasabi mo? Hin-hindi ko maintindihan!"

"Wag ka ngang magkunwari. Obvious na ngang ikaw ang nagpadukot sakin kunwari ka pa."

.

.

At nagpatuloy pa siya sa pagsasalita

"Alam mo kung ano'ng na-realise ko? Na-realise ko na siguro ikaw din yung nagpadukot sa kin dati sa school eh! Kaya siguro wala kang maibigay na lead kung sino may gawa nun dati dahil ikaw pala."

Kitang-kita ang panggigigil niya sa inis.

Hindi ako nakaimik nang banggitin niya yun. Alam ko ang tinutukoy niya and I'm guilty of it.

"Ano!", paghihintay niya sa sasabihin ko.

I looked down. And then looked at her and started to explain in a calm manner.

"Nagawa ko lang yun dahil yun na lang yung naisip kong paraan to make you safe", pag-amin

"So kagagawan mo nga! Buti sana kung sinabi mo agad..maiintindihan ko pa eh!"

"Alam kong magagalit ka kaya hindi ko na sinabi. Tsaka nung mga panahong yun, stressed ka dahil sa mga pamba-bash sa'yo. Ayoko nang dumagdag pa sa galit mo."

Hindi siya nakaimik!

"Eh ngayon, bakit kailangan mo akong ipadukot? Pwede mo namang sabihin nang maayos diba?"

"Ano!?  Ipadukot? Wala akong alam diya-----", napatigil ako nang maalala ko yung pag-uusap namin ni Jamie.

May ginawa lang daw sila para mas magiging surprising! I think eto yun. Ang kunwari, nadukot si Irish.

Agad ko silang tinawagan sa harap mismo ni Irish. Ni-loud speaker ko rin para marinig niya.

" Hi Spence... ano, are you enjoying?"

"Enjoying? Hindi natuwa si Irish sa ginawa niyo. I didn't ask for it na kunwari i-kidnap niyo siya. It's not a good idea", panenermon ko

"Ay ganun ba? S-sorry akala namin mas surprising"

"It's actually surprising...", pagsang-ayon ko

"....BUT IN A BAD WAY!", pagpapatuloy ko

"Sorry na. Mag-i-explain kami kay Irish after this"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now