Chapter 2 - Almost told

830 32 3
                                    

(Spence's PoV)

Huminga ako ng malalim saka ako pumasok sa SSC. Nadatnan ko si Irish, sa presidential table.

Hindi ko gusto na ang magsi-settle sa misconduct ko ay si Irish pa.

Pero ang maganda, kaming dalawa lang ang nandito, wala yung mga kasamahan niyang officer.

"Upo ka!"

Umupo ako at magkaharap kami ngayon.

Ramdam ko pa rin ang pagka-cold sakin ni Irish.

"So nirereklamo ni Ma'am na nagyayakapan  kayo ni Maia dun mismo malapit sa faculty!", pag-uumpisa niya.

"Oo but it's not PDA."

"I'm sorry Spence pero dahil teacher ang nagreklamo, wala na akong magagawa kundi patawan ka ng parusa."

"Parusa agad? Hindi ba pwedeng mag-explain muna ako?"

"Teacher ang nakakita sa inyo about your PDA. Imposible namang magsinungaling pa ang teacher. Nakita niya kayo, tapos ang usapan!"

At parang ayaw na niya akong pagsalitain. Tinuloy-tuloy na niya ang sasabihin.

"I will forward this letter sa ating Principal. It is a letter requesting for your suspension. According sa rule, 3 days suspended ang sinumang mahuling nakikipag-PDA."

"First offense ko pa lang to. Hindi ba't dapat warning muna?"

"Gaya ng sinabi ko kanina, pag teacher ang nakahuli, wala nang warning warning. Kayo kasi eh! Hindi niyo man lang tinago. Naiintindihan kong siyempre mag-boyfriend-girlfriend kayo pero sana naman pinigilan niyo ang sarili niyo dahil nasa school kayo."

Para siyang nanay ngayon na nanenermon sa kaniyang anak

"T-teka...b-boyfriend girlfriend?? Hindi ko girlfriend si Maia", agad kong depensa.

Nakita kong natahimik siya. And I took it as an opportunity para magpaliwanag

"Tsaka hindi naman PDA yun eh! Ang PDA ay public display of affection. Oo nakita kaming magkayakap pero wala namang affection dun eh!"

"Hindi naman kayo magyayakapan kung walang affection. Hindi naman kayo magyayakapan kung tutol ang isa."

Siguro nga! Oo may point siya. Pero hindi ko rin naman kasi gustong mapahiya si Maia kaya hinayaan ko na lang.

Parang ang hirap paliwanagan ngayon si Irish.

"Bakit ba parang ang init ng dugo mo sakin I?"

Medyo naging sweet yung tono ng pananalita ni Irish sa kaniyang pagsagot.

"Hindi ako galit sa'yo. In fact sobrang grateful ako dahil niligtas mo ako from the goons to the point na sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ka napahamak noon. Ginagawa ko lang talaga ang tungkulin ko as a student leader."

"Walang pagsisisi na nasaksak ako. Ang importante sakin ligtas ka", sincere kong sagot.

Hindi siya agad nakaimik.

"Maraming salamat sa pagtulong mo sakin. Pero balik tayo sa misconduct na nagawa mo."

Okay!

"Wala akong magagawa I kung papatawan mo ako ng parusa sa isang bagay na hindi ko naman sinasadya. Sige tatanggapin ko na lang."

.

.

Hindi siya nakaimik.

.

.

.

Pagkatapos ay tumayo ako para umalis. Hindi na ako nagpaalam. Ayoko ng makarinig ng masasakit na salita galing sa kaniya.

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon