Chapter 8 - Gone

1.7K 66 6
                                    

(Irish's PoV)

Nagdoorbell ako sa bahay nina Spence.

Matapos ang ilang segundo, biglang bumukas ang gate.

"Hi tita!", bati ko sa Mama niya..

"Irish!", nakangiti niyang sambit

Medyo napasulyap ako sa bandang loob ng bahay nila..

"Uhmm..si Spence po??"

"Ah..si Spence ba? Ayun pumasok na siya eh! Mga 6 am pa lang umalis na siya! Takang-taka nga ako eh ang aga niya!"

Nakakapagtaka nga naman kasi talaga...hmm..hindi kaya may sinisikreto sa kin ang kaibigan kong yun?

"G-ganoon po ba tita? Mukhang aim niyang maging most punctual this school year ah!", pabiro kong sagot.

Maya-maya pa ay nagpaalam na ako para magpunta sa school.

Pagdating ko sa school, agad kong napansin ang napakaraming estudyante sa may faculty office kung saan naroon ang hellhound statue.

Hindi ko alam kung ano na naman ang pinagkakaguluhan doon kaya tumakbo ako para maki-usi na rin!

At sobrang nanlaki ang mata ko sa aking nakita!

Halos hindi ako makagalaw.

Hindi ako makapaniwala...

Y-yung...

Yung...

Yung Hellhound statue!!!!!

NAWAWALA!!!!

WHAAAT???

"Hindi pwedeng mangyari 'to! Kailangang mahanap ang hellhound statue. Ibalik yun dito!", pasigaw at nag-aalalang sambit ni Mr. Principal.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Takot ba? Tuwa?

Yun naman ang gusto ng mga estudyante eh. Ang mawala yung statue pero hindi sa ganitong paraan na bigla na lang itong maglalaho na parang bula. Ni wala kaming clue kung ano'ng nangyari.

"Hindi na talaga maganda ang nangyayari sa school na 'to. Balot na balot na ang Academy ng kababalaghan!", sambit ng isa sa mga estudyante.

"H-hindi kaya....h-hindi kaya isa ito sa mga misteryong nakabalot sa statue maliban sa pagkabuhay nito tuwing gabi?", sambit ng isa pa.

"O di kaya'y tuluyan nang nabuhay at pagala-gala na siya sa city ngayon??????", sambit pa ng isa.

Natutulala na lang ako sa mga nangyayari. Dapat kasi talaga hindi na yun tinanggap dito sa academy.

Maya-maya pa, habang ako ay nag-iisip, biglang may humawak sa aking balikat, dahilan upang ako ay magulat!

"Jamie!", sambit ko nang makita ko siya.

"Alam mo, konting-konti na lang, magttransfer na rin ako!", pagsisimula niya

"Rin??? Bakit? May mga nagsilipat na ba?"

"Magmula nang pumutok yung issue tungkol sa statue na yan, 10 na ang lumipat ng school!"

"Talaga?", hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

Tumango lang siya...

"Eh..san daw sila lumipat?"

"Sa Torch Academy!", sagot niya

"Sabagay naman kasi, hindi rin naman sila masisisi ng school. Importante ang kaligtasan ng bawat isa. Kung dun sila mas ligtas, why not diba?"

"May tama ka friend. Pero sa ngayon, isang napakalaking katanungan, san napunta yung statue?"

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon