Chapter 7 - He Did It!

2.9K 120 2
                                    

Tumakbo ako ng mabilis papunta sa bahay namin.

Pagpasok ko sa bahay, diri-diretso ako sa library ni Papa.

Agad akong pumasok at agad akong lumapit sa kaniya. Pinipilit kong maging kalmado pero hindi ko magawa.

"Papa--"

"Nasa drawer 'yung mga ballpen!"

Huh????

Bigla akong nahimas-masan sa sinabi niya. I mean, alam kong siya ang nasa likod ng pagkawala ng mga ballpen ng mga kaklase ko pero ang nakakabigla, paano niya nalaman na alam ko na?

"P-pano mo nalamang alam ko na!"

Hindi siya umimik, bagkus, itinuro lang niya ang kaniyang isip kung saan pinapahiwatig niyang 'ganoon siya katalino!'

"So bakit mo ginawa?"

"Challenge! Gusto kong makita kung hanggang saan ang kaya mo at natutuwa ako dahil napatunayan mo na magaling ka nga pagdating sa deduction."

Nagbuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya.

"Hindi mo ba alam na natakot ang mga ka-klase ko dahil sa ginawa mo? Isa kang detective Pa. Pa'no na lang 'pag nalaman nilang isang detective ang dahilan sa pagkawala ng mga ballpen na ikinabahala nila?"

"Bakit, sasabihin mo ba?"

Hindi ako umimik! Kailangan pa nga ba nilang malaman?

"Anak, may mga bagay na kailangang malaman ng isang tao at meron ding mga bagay na hindi na. Ngayon, kapag pinaalam pa sa kanila ang mga bagay na hindi naman na nila kailangang malaman, tsismis na 'yon."

Napa-tingin ako kay Papa. Isa rin ba sa mga katangian ng detective ang mind reading?

"At saka anak, wala naman talaga akong balak na saktan sila kahit hindi mo pa malutas ang misteryo. Sinabi ko lang na may gagawin akong hindi maganda para i-motivate ka.

Gusto ko ring ipa-alala sa 'yo na ang takot na naramdaman nila ay normal lang. Ang isang misteryo, nakaka-buti man o nakaka-sama ang dulot nito, nagbibigay ng takot kapag hindi mo naiintindihan.

Hindi na lang ako umimik. Pero sa totoo lang, sa loob-loob ko, masaya ako na na-solve ko ang mystery at ngayong alam ko na kung sino ang may kagagawan nito, I admit, I had fun!

"So, how did you know that it's me?"

Ma-angas kong nginitian si Papa.

"Akala ko mahirap pero hindi pala!"

Ipinatong ko ang aking kamay sa aking baba.

"Sinabi mo na ang clue ay nasa ballpen. Akala ko noon, mga letrang dJn ang tintukoy mo pero hindi pala dahil ang tinutukoy mong clue ay ang unang letra sa ballpen. 'Yun ay ang letter 'B'. Ang tatlong letra naman ay mga letra ng pangalan mo. D stands for detective. Ang J ay ang huling letra ng nickname mo at n ang sunod nito. Doon ko nalaman na detective Bnj pala 'yun na kung babasahin ay detective Benj."

"Magaling!"

"Sa katunayan, meron pa akong isang clue. 'Yung pag-uusap natin sa cellphone ni Irish. Unang hello ko pa lang, nalaman mo na agad na ako ang kausap mo. Ang boses ng isang tao sa cellphone ay mahirap i-distinguish kapag hindi mo siya gaano kakilala hindi ba? Do'n ko nalaman na kilalang-kilala mo ako. Sa katunayan nag-voice changer ka rin dahil tulad mo, isang salita mo pa lang, malalaman ko na kung sino ka."

Ngumiti si Papa sa mga sinabi ko.

"Ngunit natakot ka na baka mali ang deduction mo kaya naghintay ka pa ng isang letra pero wala kang nahintay."

"Pero nalaman ko rin sa huli kung sino ka!"

Nag-uusap kami ni Papa ngayon na para kaming hindi mag-ama.

"Isa ka ngang tunay na Quijano. Paano ka ba naman kasi hindi magiging magaling kung ako na ama mo ay magaling na detective. Ang mama mo naman, detective rin," sabay ngiti niya ng nakaka-loko.

"Detective si mama?"

"Oo, wala siyang ibang ginawa kundi imbestigahan ako!" mapang-asar niyang sagot.

Natawa ako sa sinabi niya. Si mama, madalas niyang pinagdududahan si Papa eh!

"Kunin mo na ang mga ballpen para ibalik sa kanila. Maghintay lang kayo doon dahil magpapa-pizza party ako!"

"Pizza party?"

"Gusto ko lang bumawi at pawiin ang takot na naramdaman nila dahil sa ginawa ko. Saka, pakisabi na rin kay Irish, pasensya na kung naabala ko siya sa mga tawag ko."

Tumango lang ako kay Papa saka kinuha ang napakaraming mga ballpen.

Para naman akong magtitinda nito.

----------

Pagdating ko sa school, dumiretso agad ako sa classroom namin and as what I've expected, inaabangan ako. Pagpasok ko pa lang sa classroom, agad na akong nilapitan ng mga kaklase ko at nag-unahan sa pagtatanong.

"So ano? Sino ang gumawa nito? Sabihin mo at nang ma-resbakan ko!"

Resbak? Sigurado namang 'pag nalaman mo kung sino, siguradong hindi mo itutuloy 'yang balak mo.

"Asan na 'yung mga ballpen? Nabawi mo ba? Kailangang maibalik sa 'kin ang favorite ballpen ko!"

"Oo nga! Ako rin, kailangang kong mabawi ang super special pen ko!"

"Pati 'yung ballpen ko kailangan kong mabawi. May recorder pa 'yun!"

Habang abala sila sa pagsasalita, kinuha ko ang mga ballpen nila sa backpack ko na naka-plastic pa at inabot ko sa kanila.

"Gaya nga ng sinabi ko, nalutas na ang pagkawala ng mga ballpen niyo. Wala na kayong dapat pang ika-bahala. "

Nakita kong natuwa sila nang ibalik ko ang ballpen at sabay-sabay silang nagpasalamat.

"Ang galing mo talaga Spence. Magmula ngayon tatawagin na kitang Detective ko!" sambit ni Angie.

"Agree ako. Karapat-dapat siyang tawaging detective," pagsang-ayon naman ni Aries.

"We are so proud of you!" sambit ni Bret.

"Pero, sino'ng gumawa nito?" pagtataka ni Jamie.

"Oo nga. Sino?" tanong rin ni Aries.

Tinignan ko sila saka ako napa-isip ng konti. Bigla kong naalala angsinabi ni Papa.

"Anak, may mga bagay na kailangang ipaalam sa isang tao at meron ding mga bagay na hindi na. Ngayon, kung sasabihin mo sa ibang tao ang hindi na nila kailangang malaman, tsismis na yun!"

"Hindi na importante kung sino siya. Ang mahalaga, maayos na ang lahat. Siya nga pala, magpapa-pizza party raw siya to extend his apology."

Ikinatuwa ng mga kaklase ko ang sinabi ko. Halatang naexcite sila sa pizza party at tila agad nilang naka-limutan ang pagkawala ng mga ballpen nila.

Napatingin ako kay Irish. Sobrang saya niya sa sinabi kong pizza party. Dahilan para mapa-ngiti ako. Iba talaga 'pag pizza na ang usapan!

Uwian na pero lahat kami, naiwan sa classroom dahil saktong dumating ang 10 boxes of pizza. Kaya naman nagsalu-salo muna kami. May mga nagbiruan at nag-kwentuhan. Bumalik na ang dating masayahin na section A.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now