Chapter 17 - Inside

928 34 8
                                    

(Spence's PoV)

Huminto sila sa isang Villa. Kulay puti ang napakalaking bahay ngunit tila abandonado ito dahil luma na ang pintura nito.

Mayroon nagbabantay sa gate kaya hindi ako nakapasok. Medyo malayo ako kaya natatanaw ko ang view ng villa. Natatakapan ito ng malalaking mga punongkahoy. Matataas din ang bakod nitong pader. Sa estimation ko, nasa 8 feet ang taas.

May nagbabantay sa gate kaya mahihirapan talaga akong makapasok.

Ano kaya'ng dapat gawin?

Inisip ko ang sasakyan ni Mama. Hindi ko 'to pwedeng i-park sa kung saan-saan lang dahil baka matanaw nila mula sa 2nd floor ng bahay.

Muli ay ikinalat ko ang aking paningin sa paligid ng villa.

..

..

Alam ko na.

May dalawang daan sa harap ko ngayon.

Ang isa ay diretso sa mismong gate ng villa. Ang isa naman ay patungo sa may side ng villa.

Tinahak ko ang daan patungong side ng villa upang hindi ako makita lalo't maraming mayayabong na puno ang makakatakip sakin.

Halos nakadikit ang sasakyan ni Mama sa mismong bakod upang hindi nila ito matanaw. Sakto rin ang pwesto ng kotse para makaakyat ako sa bakod.

Dahil may puno malapit sa bakod na yun, doon ako sa taas ng puno na iyon nagtago upang makapag-antay ng tamang tiyempo para makapasok.

May tatlong nagbabantay sa labas. At mayroon silang hawak na baril.

Hindi ko na ikakaila ngayon ang kaba na aking nararamdaman. Makapigil-hininga. Ganyan ko ilalarawan ang sitwasyon ko ngayon. Yung alam kong nasa bingit ako ngayon ng kamatayan. Nagdarasal ako sa aking isipan dahil alam ko na isang pagkakamali ko lang, pwede akong mamatay.

Naalala ko yung sinabi ni Papa. Magpahuli ako.

Mukhang hindi pa ako handang sundin si Papa. May mga hawak silang baril. Hindi ko alam kung gaano kahalang ang bituka ng mga 'to. Baka hindi nila ako hulihin. Baka tatadtarin na lang ako ng bala dito.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ako papayag.

Kailangan kong mag-isip ng paraan para makapasok nang hindi nagpapahuli.

"BANG!"

"Waaah!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. P-putok ng baril at sigaw ng babae.

Hindi ko maiwasang mag-isip ng hindi maganda. Kailangan ko nang kumilos. S-sana hindi pa huli ang lahat.

Tinawagan ko si Papa

"Hello Pa asan na kayo?"

"Kinukumbinsi ko pa lang ang mga pulis."

"Pa...hindi na maganda ang pakiramdam ko. May narinig akong putok ng baril."

"Naiintindihan ko. Ba't di mo pa ginawa yung pinapagawa ko"

"Pa. Hindi naman ganun kadali yun. Duwag na kung duwag pero hindi naman pwedeng magpahuli ako ng ganun ganun na lang. Kung pinatay ako o binaril bigla pano ko pa sila maliligtas?"

"Naiintindihan ko. Hindi yan pagiging duwag. Ang tawag diyan, walang tiwala. Ganito ang gawin mo......"

Sinabi ni Papa kung paano ako magpapahuli para makapasok.

"Pero Pa---"

"Sabi ko na nga ba wala kang tiwala."

"Hindi naman sa-----"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now