Chapter 11 - Father and Son

1.9K 74 8
                                    

(Spence's PoV)

Maaaring nagsampa na ng kaso ang Torch sa ginawa ko kay Principal. Pero hindi ko pa rin pinagsisisihan ang ginawa ko. Sigurado kasi akong sila ang bumaril kay Irish.

Pagdating ko sa prisinto, nakita kong nakaupo si Principal.

Pinagmasdan ko siya. Tinignan naman niya ako na tila ba nakakaawa siya.

"Mabuti at nagpaunlak ka!", sambit ng isang pulis.

"Opo kahit wala kayong pormal na subpena!", sagot ko naman.

"Anak ka nga ni Detective Benj.", muling sambit ng pulis.

"Bago namin sampahan ng kaso ang lalaking yan at school, ilatag mo na ang ebidensya Spence!", hindi makapaghintay na sambit ng isang boses. Lumingon ako at nakita ko ang aming Principal.

Hindi ko pa masyadong ma-absorb ang sinasabi niya kaya tinignan ko siya na halatang huminhingi ako ng paliwanag.

Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at kwinento niya ang nangyari..

"Well, salamat sa iyong ama!", sambit ni Principal

"You mean si Detective Benj?", tanong ko

"May iba ka pa bang tatay. Oo. Siya, ang iyong ama. Dahil sa kaniya, nahuli ang lalaking 'tong dahilan ng takot sa school. Eh sila pala ang may pakana sa statue na yun. Gusto nilang lamangan ang Cornerstone kaya nagpadala sila ng salot."

Medyo nabawasan ang bigat na nararamdaman ko nang malaman kong nakialam na pala si Papa. Kapag kasi siya na-involve, sigurado magiging ok na ang lahat. Malaki ang tiwala ko kay Papa eh.

Napatingin ako kay Principal ng Torch at nakayuko lang siya habang ang  mga kamay niya ay nakatakip sa kaniyang ulo.

"Ikwento mo sakin ngayon Mr. Quijano kung paano nangyari ang lahat!"

Inilabas ko ang mga picture sa bag. Inexplain ko ito gaya ng kung paano ko inexplain kina Jamie at I.

"Ang hellhound statue na biglang dineliver sa school ay pakana ng Torch Academy para pabagsakin ang school. Akala kasi nila, kapag ang mga estudyante, nabuhay sa takot, lilipat sila at magkakaroon ng bad record ang school. Where in nagtagumpay naman sila dahil may ilang mga estudyanteng lumipat ng school. Marami ang naniwala na ang Hellhound statue ay isa ngang statue where in reality it's not because it's an improvised robot. Para itong bomba na may timer. Tuwing sasapit ang 8:00-9:00 pm, ito yung sinasabi nilang nabubuhay ang statue."

Nakikinig lang silang mabuti habang nakayuko lang ang Principal ng Torch.

"Nagtaka ako dahil tila may something sa kaniyang mata na umaakit sa mga taong tignan ito. Yun pala, meron itong maliit na spy camera. Hindi lang halata dahil transparent ito sa ibabaw ng mata ng statue"

Napatigil ako sandali saka ito itinuloy.

"Meron din akong na-observe na CCTV sa tapat ng SSC. Yun pala, galing sa kanila. Nakapwesto roon ang CCTV dahil doon kadalasang may dumaraan na diretso sa may statue. Sa pamamagitan nito, mamo-monitor nila kung may mabibiktima ba sila o wala."

Hinarap ako ng Principal ng Torch at tinanong ako.

"Nasaan ang yung ebidensya?"

Bigla kong naalala yung pagpunta ko sa kaniya kaninang umaga kung saan sinabi ko ang tungkol sa statue. Inamin na niya kanina na sila nga ang may kagagawan nun!

"Ebidensya? Kung ganoon balak mo pang palabasin na nagsisinungaling ako samantalang umamin ka na kaninang umaga?", sagot ko sa kaniya. Sa puntong ito pinipilit kong maging kalmado.

CLUE DETECTIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon