Chapter 10 - Unstoppable Spence

1.2K 52 7
                                    

(Spence's PoV)

Ang una naming ginawa sa canteen?

Bumili ng pizza.

At ngayon, heto ako nakaupo sa harap ni Irish. Pinagmamasdan siya habang kumakain.

"So ano'ng problema?", pagsisimula ko.

Hinintay ko ang response niya. Kaso patuloy lang siya sa pagkain. Hindi ko alam kung hindi lang niya narinig o sadyang ayaw lang niya akong pansinin

"I..", muli kong tawag

..

..

Patuloy pa rin siya sa pagkain ng pizza

"I!", muli kong sambit habang nakatingin sa kaniya.

At doon siya napatigil sa pagnguya. She sipped her coke saka sumagot.

"S-sorry. Comfort food ko kasi talaga ang pizza kaya..."

Ok!

Hindi ako umimik. Tinignan ko lang siya. Maya-maya pa ay nagsimula na siyang magkwento.

Nung una medyo nag-aalangan pa siya.

"T-tungkol kasi 'to kay........"

Natahimik siya saglit!

"Marcus!", sabay iwas ng tingin niya sakin

"Marcus?", gulat kong tanong. Hindi ko inakala na tungkol kay Marcus 'to.

T-teka? M-may alam ba siya?

"A-alam mo nang na-kidnap siya?", gulat kong tanong

Ngumisi siya.

"Oo! Alam ko na yung isa sa mga bagay na sinikreto mo sakin!"

Napalunok ako! Hindi naman sa sinikreto. Sasabihin ko nga dapat sa kaniya eh!

"It's a private case! Kung hindi ako ang nagsabi sa'yo? Pano mo nalaman?"

"Sa kapatid niya. Si Suzanne!"

"S-Suzanne?? K-kapatid?"

Mas-astig pala si Irish eh! Mas marami pa pala siyang alam kesa sakin.

"Teka nga I. Pwede bang sabihin mo lahat! Hindi yung inu-unti-unti mo yung impormasyon!"

Sobrang bitin na bitin kasi ako sa kwento niya eh.

"Ganito kasi yun......"

At sinimulan niyang ikwento kung pano nagsimula ang lahat. Mula nung makilala niya si Suzanne hanggang sa ma-discover niyang kapatid siya ni Marcus at na-kidnap ito. Doon ko rin nalaman na sina Suzanne pala yung naghatid sa kaniya kagabi.

Ibig sabihin, there's nothing mutual between the driver and Irish.

Hindi ko maiwasang ngumiti!

"Sherry and I were doing our best to trace Marcus. Yun pala, nasa iyo yung connection to know more about his life!", pag-amin ko

"Kailangan natin siyang tulungan. Naaawa na ako kay Suzanne at lalong-lalo na kay Marcus!", malungkot si Irish sa katotohanang iyon

Napabuntong-hininga siya.

"Kaya ako naiyak kanina. Ang totoo niyan..natatakot ako na baka tuluyan nang napahamak si Marcus. Lalo't....."

Muling nabuo ang luha sa mata ni Irish!

"Sabi sa nareceive na text ni Suzanne, you're next after your brother"

Napaisip ako sa sinabi ni Irish. Hindi ko rin maiwasang isipin na baka tuluyan nang napahamak si Marcus

CLUE DETECTIVETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang