Chapter 10 - Tip

926 34 10
                                    

(Spence's PoV)

"Ikwento mo sakin ang motibo ng pagdukot!"

Umagang-umaga pa lang, andito na ako ngayon sa office ni inspector Alvarez para magpa-interrogate.

"It's a personal matter inspector"

"Personal matter?"

"Ang totoo po niyan inspector, ako po talaga ang may kasalanan ng lahat!"

Hindi maintindihan ni inspector ang aking sinasabi.

"Pwede ba Spence, diretsuhin mo kung ano ang gusto mong sabihin"

Napabuntong-hininga ako.

"Ako po ang totoong pakay ng mga dumukot", pag-amin

"ANO???? IKAW? TAPOS NADAMAY SI IRISH! ALAM MO, HINDI KA NA TALAGA NAKAKABUTI SA APO KO. ALAM MO BA YUN?"

Nasa state of panic na naman si inspector. Natahimik ako sa sinabi niya. Parang may tumusok s aking puso nang sabihin niyang hindi na ako nakakabuti kay Irish.

"Inaamin ko pong kasalanan ko ang lahat. Nakagawa ako ng isang bagay na hindi ko akalaing aabot sa ganun!"

"Sabihin mo nga sakin Spence, ano ba'ng ginawa mo at may mga taong gustong gumanti sa'yo!?"

Tinignan ko si inspector.

"Inspector, kailangan po ba talagang ungkatin?"

"Oo naman! Gusto kong malaman!"

Sa sinabi niya, parang hindi na dahil sa kaso ang dahilan kung bakit gusto niyang malaman.

.

.

Maya-maya ay napa-kalma siya.

"Buti sana kung hindi nakatakas ang mga suspek. Alam mo Spence base sa initial investigation, kaduda-duda ang mga nangyari!"

Eto na yung hinihintay kong part ng interrogation.

"Ikwento mo sakin ang mga naganap kung paano sila nakatakas!"

Kinwento ko kay inspector ang mga nangyari.

Magmula sa part na may tumawag sakin nung nasa school kami hanggang sa nung nagpunta ako sa kinaroroonan ng mga kidnapper at nagpa-challenge siya para magkaroon ako ng pagkakataong iligtas ang aking mga kaibigan.

Napaisip si inspector sa aking mga sinabi.

"Masyadong malinis ang mga  nangyari eh....", duda niyang sagot

Ako naman, hinintay ko lang matapos ang gusto niyang sabihin.

"....kung paano sila nakatakas, kung paano kayo nakatakas, at kung paano kayo naka-ligtas nang walang masyadong galos sa inyo!"

..

..

..

Nagpatuloy pa siya

"Alam mo Spence, matagal na akong inspector. Bagamat madalas mo akong maunahan sa pag-iimbestiga, alam na alam ko ang galaw ng mga suspek lalo na ng mga ganitong insidente!"

.

.

"....alam natin na ang mga suspek, hindi mapagkakatiwalaan ang mga yan. Walang isang salita ang mga yan! Kaya magtataka ako kung sasabihin mo sakin ngayon na kaya sila umalis dahil nasagot mo lahat ng tanong sa mga riddle niya"

Alam na alam nga niya ang galaw ng mga ganung tao.

"Dumating po yung kapatid niya. Nagmakaawa siya na pakawalan kami!"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now