Chapter 9 - Doctor's Plan

2.9K 115 3
                                    

Pag-uwi ko sa bahay, nadatnan ko sina Mama at Papa na nasa kusina at nagluluto ng hapunan. As usual, nagtatalo na naman sila

"Adobong manok ang paborito niya", pagpupumilit ni Mama.

"Hindi. Adobong baboy. 'Yun kaya'ng in-order niya no'ng minsang kumain kami sa labas!" Kontra naman ni Papa.

"Diyan ka nagkakamali dahil no'ng inimbita ko siya dito, masarap ang kain niya no'ng ipinagluto ko siya ng adobong manok!"

Alam ko na kung sino ang pinag-uusapan nila. Si Irish!

"Para sa'n 'yan?" tanong ko.

"Andiyan ka na pala!" sabay nilang sambit.

"Masyado yatang big deal sa inyo kung ano'ng favorite ni Irish?"

"Ah, dito kasi siya kakain!" sagot ni Mama.

"D-dito s-sa bahay!?"

"Masyado ka naman yatang na-bigla. Yes, dito siya kakain!" sagot ni Papa.

"Kinwento kasi ng Papa mo 'yung tungkol sa ginawa niyang challenge sa'yo na kung saan naistorbo pa niya ang Apo ni Inspector kaya naisipan naming ipagluto siya ng paborito niyang ulam nang makabawi kami," paliwanag ni Mama.

Masyado naman nilang ginagawang big deal 'yun!

"Sa tingin mo ano'ng magugustuhan niya? Adobong baboy o adobong manok?" tanong ni Papa.

"Ma, Pa, mapa-adobong baboy man 'yan o adobong manok, it doesn't matter. Pareho niyang gusto."

"Naman pala eh! Pinagtatalunan pa natin!" reaksyon ni Mama.

"Ikaw kaya ang nag-umpisa!" kontra ni Papa.

"Anong ako? Excuse me! Ikaw!"

"Paano namang naging ako eh ikaw lang naman ang mahilig makipagtalo sa 'ting dalawa!" pang-aasar ni Papa.

"Anong sabi mo!?" pikon na naman si Mama.

Hay naku, hayan na naman sila! Maka-akyat na nga lang sa kwarto.

"Hep! Sa'n ka pupunta?" tanong ni Mama sa 'kin.

Patay! Mukhang madadamay pa ako dito ah!

"Sa kwarto ko po!"

"Sige na! Magpalit ka na ng damit. Pagkatapos, sunduin mo si Irish. Matagal ko nang hindi nakasama si Pretty Girl. Gusto ko siyang makabonding!"

Tama! Pretty girl nga siya.

"Paano mo naman siya makaka-boding eh magluluto ka? Magluluto kayo, gano'n? So 'yun ang bonding niyo?" sambit ni Papa.

Nagcross-arm lang si Mama saka niya itinaas ang isa niyang kilay.

"At sino naman ang nagsabing magluluto ako?"

"Hmmm???" pagtataka ni Papa.

"Ikaw."

Tinuro niya si Papa.

"...at ikaw!" sabay turo niya sa 'kin.

"Kayo ang magluluto!"

"ANOOO??" sabay naming protesta ni Papa.

"Bakit naman kami Ma?" reklamo ko.

"Dahil wala kayong masyadong ginawa today, lalo ka na Benjamin Quijano! Ako, I need to relax dahil napagod ako sa ospital," naka-ngiti niyang sagot.

Pagkatapos niyang sabihin 'yun, she waved her hand to say goodbye at naiwan kami sa kusina. Nagtinginan lang kami ni Papa. Parehong hindi namin nagustuhan ang pinapagawa niya.

--------

Matapos kong magpalit ng damit, sinundo ko si Irish gaya ng utos ni Mama.

Nag-doorbell ako!

Maya maya pa'y lumabas si Irish.

"Spence, anong ginagawa mo dito?"

"Andiyan ba si Inspector?"

"Wala eh, may inaasikaso!"

"Ah ganoon ba? Ini-imbitahan ka ni Mama na magdinner sa bahay!"

Napapalakpak si Irish sa sobrang tuwa.

"Talaga? Sige ba!"

Hindi man lang 'to magpakipot. Palibhasa sanay nang nakiki-kain sa bahay.

"Wait lang, magpapalit lang ako!"

Oo nga naman, naka-uniform pa rin siya hanggang ngayon!

Pumasok na siya ulit sa loob ng bahay nila at naiwan ako sa gate mag-isa. Kinuha ko 'yung maliit na libro sa bulsa ko at nagbasa muna habang hinihintay siya. Nasanay na ako na pag hinihintay ko siya, nagbabasa ako ng libro.

.

.

.

.

.

.

.

.

napa-tingin ako sa aking relo. 6:30 na. 6:25 kaninang pumunta ako rito.

.

.

.

.

.

.

.

.

Tinignan ko ulit ang relo ko. 6:35 na. Ang tagal naman niya.

.

.

.

.

.

.

.

Nangawit na ako sa pagtayo dito. Wala pa rin siya.

.

.

.

.

.

At dahil wala pa rin siya, nagdoorbell na ulit ako.

"SANDALI LAAAAANG!!"

"ANG TAGAL!!!!" inip kong sagot.

"Ito na!!!"

And after 23 minutes, lumabas na siya!

Tinignan ko siya. Naka-jogging pants lang siya, naka-tshirt, naka-tsinelas. Pambihira! Hindi ako makapaniwala na simpleng pagpapalit lang ng ganoong mga kasuotan umabot pa ng 23 minutes.

Napabuntong hininga ako!

"Tara na!" sambit niya.

"Grabe ka mag-bihis," puna ko sa kaniya.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now