Chapter 10 - Missing Irish

908 37 0
                                    

(Irish's PoV)

"Hindi kinaya ng katawan niya.....", malungkot na sambit ni tita

"Hon...", sambit ni tito

Sa narinig ko, parang may umikot sa tiyan ko na nakakapanghina.

"Masyadong na-force yung katawan niya in doing an activity beyond what his body can do. Kaya kailangan niya ng maraming pahinga."

"Mga ilang oras siya bago magising?"

"Sa mga ganyang sitwasyon, depende sa katawan niya. May iba, nagigising agad, yung iba medyo matagal. But he's fine. Kailangan lang niyang makaiwas sa stress or anything that can exhaust his body.", paliwanag ni tita.

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi  ni tita.

"Dinala na siya ngayon sa kaniyang room", sambit ni tita.

------------
(Irish's PoV)

"Nakauwi ka na pala!", sambit ni Lolo pagpasok niya sa bahay.

"Opo"

"Dumaan ako kanina kay Spence para dalawin siya at nagbaka sakaling andun ka."

"Umuwi na po ako."

Nadatnan ako ni Lolo na nakaupo sa sala.

Iniabot niya sakin ang aking phone.

"Nabawi namin mula sa mga suspek!"

I checked my phone.

Nakatanggap rin pala ako ng emergency text galing sa kaniya. I think yun ang dahilan kung paano kami natunton nina Lolo.

"Wala pa rin siyang malay!", sambit ni Lolo.

Hindi ko maiwasan ang malungkot sa sinabi niya. Sana maging ok na siya agad.

"Bakit ka umuwi agad apo?"

"Hindi ko na po tinagalan tutal marami naman ang nag-aasikaso sa kaniya dun!"

Tumango-tango si Lolo. Pagkatapos ay umakyat siya para magbihis.

Naiwan akong mag-isa.

Ang totoo niyan, hindi ko lang kasi kayang makita siyang ganun...knowing na ako ang dahilan kaya siya nasa ganung sitwasyon.

Sobra yung guilt na nararamdaman ko.

Wala na akong mukhang maihaharap kay Spence. Napaka-hina ko kasi.

Naramdaman kong muli ang luha sa aking mga mata.

Tutal marami namang nag-aasikaso sa kaniya. Andiyan naman si Maia. Sa ngayon, hindi ako ang taong kailangan niya. Hindi ako ang taong dapat na makita niya. Mai-stress lang yun pag nakita niya ako.

Pinunas ko ang luha ko.

Maya-maya pa, biglang na-ring ang phone ko. Tumatawag si Sherry.

"Sherry!"

"Irish. Akala ko nandito ka"

"Nasa ospital ka?"

"Oo! Kararating ko lang"

"Kumusta si Spence?", agad kong tanong

"Wala pa rin siyang malay."

"Sana magkamalay na siya!"

"Oo yan. Matapang yan si Spence.", paniniguro ni Sherry.

"I heard na nakipaglaban kayo sa mga goons. Ano? Ok ka lang ba? Nasaktan ka ba?", pag-aalala niya.

Hindi ko akalaing ganito magiging concern si Sherry sakin.

"Ligtas ako dahil kay Spence!"

Naiiyak na naman ako.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now