Chapter 5 - Evidence

3.9K 153 14
                                    

Andito na kami ngayon sa AVR ng school. Kailangan naming pag-usapan ang tungkol sa mga posibleng gumawa sa krimen.

"Base sa ating na-gather na data, meron tayong tatlong suspect. Una, ang kaniyang kapatid na si Leo, 34 yrs old, coach ng Tiger. Madalas silang hindi magkasundo dahil  madalas nalalamangan ni Coach ang kaniyang kapatid sa lahat ng bagay. Paborito rin siya ng mga magulang nila kaya madalas naiinggit si Leo sa kaniya. Pangalawa, ang kaniyang ex-girlfriend na si Tess 27 yrs old, Math teacher. Five years nang sila. Pinangakuan na rin siya ng kasal ngunit isang buwan na ang nakakaraan, biglang nakipaghiwalay sa kaniya si Coach sa hindi maipaliwanag na dahilan, bagay na ikinagalit ni Miss Tess sa kaniya. Ang pinakahuli naman ay ang isa sa tini-train niya sa kanilang team, si Flores 21 yrs old. Grade 12. Tatlong linggo na ang nakakaraan nang magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan dahil hindi siya ibinalik bilang captain ball. Nagrebelde si Flores dahil sa nangyari. Mula noon, may nakapagsabi na madalas makita si Flores kung nasaan si coach. Tila ba nagmamanman!" paliwanag ni Dwayne.

" kung ganoon, ipatawag ang lahat ng suspect para makuhanan ng panayam," utos ni inspector.

Tumango si Jay kay inspector saka umalis.

Matapos ang pitomg minuto, dumating na ang tatlong suspek! Inuna ni coach si Sir Leo.

"Ikaw ang kapatid ni coach Anghelo, ang matagal na niyang hindi makasundo dahil sa inggit mo sa kapatid mo!"

"Sige lang Inspector. Sabihin mo lang 'yan. Wala akong pakialam!"

Kalmado lang si Leo na para bang hindi namatayan ng kapatid. Ang yabang pa ng dating niya!

" 'Wag kang makampante, narinig ko si coach Anghelo no'ng isang gabi na kausap ka, pinipilit mo siyang ipatalo ang team namin! Kapag nawala si coach, ikaw ang may pinakamalaking chance na pumalit sa pwesto niya bilang great achiever," singit ko.

Napansin kong namula siya.

"Hindi ako ang pumatay sa kaniya!"

"Relax," paalala ko sa kaniya.

Lumipat si inspector at pinuntahan niya si Flores, ang ka-team ko!

"Ikaw ang sinasabing may sigalot kay Coach!" pagsisimula ni inspector.

"Hahahaha!!! Nakaaway lang killer agad?"

Malaki nga talaga ang pinagbago ni Flores, para siyang hindi natulog ng ilang araw sa laki ng eyebags niya.

"Sa sama ng loob nagsisimula ang galit na pinagmumulan naman ng kagustuhang gumanti. Hindi ba't galit ka sa kaniya?" tanong ni inspector.

"Oo, pero hindi ibig sabihing papatayin ko siya!"

"Masyado ka yatang defensive pare! Wala pa naman kaming sinasabing pinatay mo siya. Suspek ka pa lang!" paalala ko sa kaniya.

"Oh! Teammate, tulungan mo naman akong linisin ang pangalan ko!"

Pinakahuli naming pinuntahan si Miss Tess, ang Humanity teacher na ex ni Coach Anghelo na iyak pa rin ng iyak!

"Miss, napag-alaman naming may sama ka ng loob sa kaniya dahil sa pakikipaghiwalay niya sa'yo," pagsisimula ni inspector.

"Hindi niyo ba nakikita? Sobrang nagluluksa ako sa kaniya! Mahal na mahal ko siya! Hindi ko  maintindihan kung bakit isa ako sa mga suspek samantalang hindi ko magagawa ang bagay na 'yon," depensa ni Miss Tess nang nanginginig pa ang boses niya.

"Lagi kang may check-up sa doctor dahil sa stress at depression. Bunga 'yan ng pakikipaghiwalay ni coach sayo!" sambit ko.

"Ano naman ngayon!?"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now