Chapter 3 - Wrong Call

877 31 43
                                    

(Spence's PoV)

"See for yourself!" Hinagis ko ito ng mataas patungo sa kanila at ang susunod kong ginawa ay......

.....tumakbo ako palapit sa kanila. Dahil distracted sila sa bag, napatingin sila dito at sinundan pa nila ang direksyon nito. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon upang ihulog ang mga kutsilyong hawak nila. Sabay ko itong hinulog. Sabay utos sa babae

"Takbo!", agad siyang tumakbo palayo.

Bago pa man maka-ganti ang dalawa, tumakbo na rin ako. Sabay pulot ng bag ko na nasa lampas nila.

Paliko na kami sa eskenita nang mapalingon ako. At nakita kong hinahabol pa rin nila kami.

Patuloy pa rin kami sa pagtakbo hanggang sa nagtago kami sa isang sasakyan na naka-park.

Yung mga goons, dumiretso lang. Akala nila tuloy lang kami sa pagtakbo sa direksyon na yun.

Nang makalayo na sila at nasiguro kong hindi na sila makakabalik, napahinga ako ng maluwag.

"Wala na sila!", sabay lingon ko kay ate

Pinunas niya yung luha niya saka sumagot

"Salamat!"

"Wala yun, ginawa ko lang yung tama!", sagot ko

Ngumiti siya ng bahagya.

"Ako pala si Maia. Maia Guzman", pagpapakilala niya at inabot niya ang kaniyang kamay for handshake.

Nakipagshake hands ako

"Spence! Spence Quijano"

Napatakip siya ng mukha nang marinig ang pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit.

"Spence Quijano? So ikaw yung student detective?"

Hindi ako makapaniwala na yan pala ang isyu niya

Napahawak ako sa batok ko, madalas kong gawin tuwing flattered ako.

"Hindi ako makapaniwala! Nasa harap ko si Spence Quijano?"

"Ah eh.....hehe! Parang ang big deal naman miss."

"Maia!"

"I mean Maia. Hindi naman ako artista!"

"Nukaba! Hindi ka nga artista pero sikat ka namang student detective. Andami kayang gustong makakita sayo sa workplace ko. Hindi ka lang pala matalino, pogi ka rin pala!", nakangiti niyang sagot. Yun bang parang hindi siya na-holdap earlier.

"Ah eh...nice meeting you Maia!", sambit ko na lang. Di ko na alam pano ko i-e-entertain yung mga nakaka-flatter niyang banat eh.

Napatingin ako sa aking relo.

5:30 pm na at medyo madilim na rin.

"Uhmm Maia, magdidilim na. Napakadelikado ngayon. I suggest dapat makauwi ka na sa inyo bago maggabi"

Biglang nawala ang kaniyang mga ngiti

"Sana hindi lang ito yung chance na makita kita!"

"Hindi naman siguro!", sagot ko

"Ah alam ko na! You can come to Foodfast house. Libre ka dun promise! Pasasalamat ko na rin sa pagtulong mo"

Foodfast house?? Hmmm...it's one of the fast food chain near downtown. Medyo malayo sa school. Ang landmark na malapit is police station.

"Dun ka nag-wo-work?"

"Ah oo! Sideline ko. Working student kasi ako."

"San ka nag-aaral?"

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now