Chapter 7 - Feelings

788 32 3
                                    

(Author's PoV)

Pinunas ni Maia ang mesa at nilagay ang mga nagkainan sa tray. Day shift siya sa Foodfast house at night naman ang pasok niya.

"Alliah!", tawag ng manager.

"Alliah, paki-ayos tong mga pa-order na meryenda para mai-deliver na sa Cornerstone.

"Opo", sagot ni Alliah.

Samantala, nang marinig ni Maia ang Cornerstone, agad siyang nagtungo sa kinaroroonan ng manager na may-ari rin sa FFH

"Ma'am, sino pong magdedeliver sa mga pa-order sa Cornerstone Acads?", masigla niyang tanong

"Si Teri daw! Bakit?"

Si Teri ay ang isa sa mga masisipag na crew nila doon.

"Pwede po bang ako na lang?", tanong ni Maia

"Talaga? Gusto mo? Medyo malayo!", sambit ng manager.

Hindi kasi pagdedeliver ang work niya kundi sa kitchen lang talaga.

"Ok lang po!"

"Sinipag ka yata bigla"

Napangiti si Maia.

"Inspired po kasi!", sagot ni Alliah

"Wag ka nga Alliah!"

"Bakit inspired?", tanong ng 26 years old nilang manager

"Eh nagkakamabutihan daw sila ni Spence...yung magaling na student detective. Siguro para makita niya kaya gusto niyang siya ang magdeliver!"

"Shhhh..ang daldal mo talaga Alliah. Sabi nang secret lang natin eh!"

Nagumiti lang si Manager

"Sige na support na kita Maia. Ngayon ka lang magkaka-lovelife eh!"

"Thank you ma'am."

"Finally, mukhang magkaka-lovelife na si Maia!", panunukso ni Alliah

Kinilig naman si Maia.

"Pero may pag-asa ba naman????", paniniguro ng manager

Napaisip si Maia habang nakangiti.

"Puro naman siya oo sakin! So sa tingin ko type din niya ako."

"Nakssss! Iba ka talaga Maia. Sabagay ang charming mo din kasi!", sambit ni Alliah.

"Thank you!", sagot ni Maia na halatang flattered.

-------------------
(Irish's PoV)

"P-panong......."

"Tignan mo nga naman ang pagkakataon", sambit ni goon 1 nang mapansin niyang kilala niya ako.

Oo, sila ulit. Ang dalawang kalbo at malalaki'ng katawan na goons.

Naalala ko ang mga nangyari noon. Isa lang ang nasa isip ko. Dapat makatakas ako. Wala akong sapat na lakas para labanan sila. Hindi pa ayos ang balikat ko. Pero paano?

Nang magsink in sa kin na siya nga ulit talaga, pinagmasdan ko ang paligid. May mga dumadaang sasakyan pero bihira lang at parang wala namang pakialam.

Napalingon ako sa kanan ko. Sakto, may eskenita roon

Kailangan makatakbo ako.

"A-ano na naman ba'ng kailangan mo?", tanong ko habang tuma-timing sa pagtakbo

"Manghoholdap dapat ako pero napansin kong yung special friend pala namin ang mati-tiyempuhan ko."

"N-nakuha mo na yang phone!"

"Pero hindi pa kasi tayo tapos!", mapang-asar niyang sagot.

Napalunok ako.

.

.

Tumakbo ako sa may eskenita. Ramdam ko ang mga yabag niya at hinahabol ako.

Ngunit napatigil ako nang salubungin ako ni goon 2. May hawak siyang patalim.

Wala akong nagawa kundi panoorin siyang nakatayo at nakatingin sakin na parang sinasabi niyang...."katapusan mo na"

Cornered ako!

Dun ko napagtanto na mali pala na dito ako tumakbo.

Ramdam ko ang paglabas ng aking mga luha. Nasa point ako ngayon na wala na akong pag-asa. Bakit ba kasi sa dami ng pwede kong ma-tiyempuhan..sila ulit?

Paano ako lalaban kung ganito ako? Sino'ng makakatulong sakin?

Lord, tulong!

Yan na lamang ang mga salita sa aking isip. Pagdarasal na lang talaga ang naiisip kung makakatulong. Sana may ipadala si God na tutulong sakin. Or sana kahit siya na lang mismo ang bumaba though alam kong imposible.

"Wag ka na kasing tumakas", sambit ni goon 1

Nakatalikod pa rin ako sa kaniya at nakaharap ako kay goon 2. Parang wala akong lakas para gumalaw.

"Araaaay! Ano ba!?", reklamo ni goon1. Pagkatapos ay may narinig kaming tunog ng lata na nahulog.

"Never ever touch her. Mahal ko yan!", utos ng isang boses mula sa kinaroroonan ni goon1.

------------
A/N: sino kaya yun??????? Abangan!

Don't forget to vote and share your thoughts or guesses through comments.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now