Chapter 10 - The Heartthrob

3.4K 124 6
                                    

And as what I've promised, nilibre ko sila ng pizza at ice cream. Siyempre baka pagkamalan akong bakla 'pag dalawa silang kasama ko tapos mag-isa kong lalaki kaya nagtawag ako ng isa, si Jimson, ang aking kaibigan na teammate ko rin sa basketball.

"Ang sarap-sarap talaga ng pizza grabe!" enjoy na enjoy si Irish sa pagkain.

"Ice cream ang the best"," sambit ni Jamie na masayang-masaya.

Ang laki ng mga subo nila. Grabe talaga ang mga 'to, dinaig pa kami. Umiinom lang ako ng coke at ang kinakain ko, burger. Si Jimson naman, coke and fries lang.

"Oh pare grabe, sikat na sikat ka na talaga!"

Nakatutok lang si Jimson sa Ipad niya habang ngingiti-ngitix

"Ano'ng sinasabi mo?" pagtataka ko.

Sina Irish naman, napatigil sa pagkain.

"Look!"

Pinakita ni Jimson ang Website ng school. Meron kasi roong update ng mga news and issues including list of the most famous and hottest students.

Most Popular - Spence Quijano ( 2, 876 votes )

New Heartthrob - Spence Quijano ( 2, 803 votes)

Most Handsome - Spence Quijano ( 2, 857 votes )

Best in Style - Spence Quijano ( 2, 845 votes)

Hottest Male - Spence Quijano ( 2, 794 votes)

"Grabe pare, hakot award! Sa 'yona lahat. Dati nasa most handsome at best in style ka lang, ngayon lahat na. Tinalo mo si Alexandros na dating title holder ng mga 'yan!"

"Ewan ko ba. Sinolve ko lang naman ang isang kaso, ganyan na agad!"

"Asus, kunwari pang ayaw, gusto rin naman!" panunulsol ni Jamie.

Tinignan ko lang ng seryoso si Jamie. Siyempre there's part of me na masaya. Habulin ba naman ng mga chicks pero aanhin naman 'yan? Basta ang alam ko lang, kailangan kong tumulong sa pagbibigay ng hustisya. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Coach Leo.

"So ano'ng plano mo pare? Ka-careerin mo na ba ang pagiging detective? Imagine ah, from just being your Father's assistant to a great detective."

"Itigil niyo nga 'yan! I'm investigating cases not to acquire fame. I'm not after popularity. I want to help. That's it," sagot ko.

"Asus! Kunwari ka pa," kontra ni Jamie.

Talagang 'tong Jamie na 'to! Hindi na lang niya gayahin si Irish, busy sa food!

"Intindihin niyo na si Spence. Pakipot talaga 'yan. Kunwari ayaw!" Biglang nagsalita si Irish.

Irish? Akala ko pa naman kakampi ko siya, pare-pareho lang naman pala sila. Tsk!

"Bilisan niyo na'ng kumain diyan. Kailangan kong umuwi ng maaga. Alam niyo naman si Mama, napakamatampuhin!"

"Hahaha...oo nga! Baka mamaya tawagan mo na naman ako ng hating gabi tapos manghihingi ka ng pagkain!" pang-aasar ni Irish.

Nagbuntong hininga na lang ako. Ito namang Irish na 'to, iku-kwento pa.

Matapos ang sampung minuto...

Tapos na kaming kumain at nasa labas na kami ng fastfood chain.

"Spence thank you sa masaraaaaap na ice cream!" sambit ni Jamie.

Good mood na good mood!

"Marunong ka rin pa lang magthank you Jamie," pang-aasar ko.

"Ano'ng sabi mo? Pasalamat ka diyan nilibre mo ako!" pikon na sagot niya.

"Joke lang," bawi ko.

Riiiiiing!

Napatingin kaming lahat kay Irish. Bigla kasing nagring ang phone niya. Samantala, agad naman niya itong kinuha sa bag niya saka niya sinagot at lumayo ng konti.

Hininaan niya ang boses niya kaya hindi namin marinig. Pinagmasdan lang namin siyang nakikipag-usap sa phone.

As what I can see, kalmado lang siyang nakikipag-usap. Pero medyo may anggulo sa mukha niya na parang nag-aalala siya and then it shifts into confusion. Ano'ng ibig sabihin no'n?

"Napansin niyo ba?" tanong ko.

" 'Yung?" sabay na tanong ng dalawa.

" 'Yung facial expression ni Irish habang nakikipag-usap sa phone?"

"Wala naman pare!"

"There's something unusual kasi eh!" suspetsa ko.

"Hindi ko naman napansin. Sa katunayan kasi ang tinitignan ko talaga ay 'yung nasa likuran niya."

Napatingin ako sa tinutukoy ni Jimson and there it is, a beautiful dazzling lady standing on the roadside, wearing a purple dress. Mukhang may hinihintay.

" 'Yan ka na naman! Ikaw Jamie, napansin mo ba?"

"Wala naman akong napansin saka so what naman sa facial expression niya? Masyado ka lang di makamove-on sa pagiging detective mo kaya feeling mo tuloy, everything is a kind of mystery."

I smirked at Jamie bagay na ipinagtaka niya.

"For your information, there is a mystery behind everything. Sabi ni Papa, 'pag may tanong, may misteryo! Because you will not ask if you know everything behind every thing," paliwanag ko.

"Oo na, ikaw na ang may maraming alam Mr. Detective!" sagot ni Jamie.

Sasagot pa sana ako kaso bigla nang lumapit si Irish.

"Pasensya na medyo natagalan!"

"Sino ba kasi 'yung kausap mo?" tanong ni Jamie.

"H-huh?? Wala, may sinabi lang si Lolo."

"Ah ok!" sagot ni Jamie, sabay tingin sakin with a now-you-know-look!

'Di ko na lang pinansin. Mayamaya pa, dumating na ang sundo ni Jamie tapos nagpaalam na rin si Jimson kasi may pupuntahan daw siya. Sabay naman kaming umuwi ni Irish. Actually, on our way home, tatlong beses na may tumawag kay Irish where in dati, hindi naman gano'n.

CLUE DETECTIVEWhere stories live. Discover now